MY LIFE

Hi everyone! I don't know if this is the right place to vent everything that I'm feeling right now since wala naman akong masabihan sa nararamdaman ko ngayon at hindi ko naman kayo kilala personaly sa inyo ko nalang ito e shshare. I am 30 years old with two kids. My eldest is 8 and the youngest is 4 and currently I'm pregnant for 2 months. My story goes like this, I am an adopted child. I knew that I was adopted when I was 8. I havent seen my biological parents since birth. I never got the chance to even know their names. Since then, I have this emptiness in my heart, in my life. Naghananap ng acceptance kung baga. Kasi feel ko parati akong rejected or kung di naman 2nd option. Ilang years din kami nung husband before niya ako nabuntis. Nung nabuntis ako pinakasalan niya ako. Which is mabuti naman kasi sabi ko sa sarili ko dati atlast may pamilya na din ako. May aagapay na sakin. May tutulong na sakin para mapunan yung wala sakin. Akala ko lang pala. Umabot sa point na hindi na kami nagkakaintindihan, tapos bumabalik nanaman yung feeling ko na mag isa lang ako. Yung wala akong masabihan ng mga sama ng loob kasi yung taong iniexpect ko na tutulong sa akin yun pala yung taong hindi ko na masabihan at hindi ko na rin malabasan ng sama ng loob. Kaya umabot kami sa point na nagkahiwalay kami. May dumating sa buhay ko. Eksaktong eksakto sa panahong lugmok na lugmok ako. At doon nag simula ako ulit. Nag simula akong bumangon uli. Dahil mabuti naman siyang tao. At alam niya ang buong pagkatao ko. Naranasan din niya ang naranasan ko kaya nag ka click kaming dalawa. Yung family niya is family oriented. Tapos religious din. Itinago namin na married ako. Pero hindi namin itinago na may mga anak na ako. Grabe ang panglalait ng ina niya sa akin nung nalaman niyang kinasal na ako at ang anak niya ay kabit ko. Oo, lahat ng panglalait lahat ng mga insulto tinanggap ko. So napag isip2 ko nanaman na eto nanaman tayo. Ni reject nanaman ako. Pero mabuti naman kasi pinag laban niya ako. Nag sasama kami pero hindi talaga maiwasan na maramdaman na iba talaga ang tingin nila sa akin. Nararamdaman ko kasi. Kasi in the first place yun naman talaga issue ko sa sarili ko. Bakit hindi ako matanggap ng tao. Hindi ba ako katanggap tanggap?? Ang problema ko lang is, hindi ko maintindihan yung treatment ng partner ko ngayon sa mga anak ko. Oo, tanggap niya mga anak ko pero may kulang talaga. Nafefeel ko kasi magulang ako at ina ako ng mga anak ko. Na realize ko na selfish ako kasi hindi ko man lang naisip ang magiging resulta sa mga anak ko. Sila yung nasasaktan alam ko kasi nararamdaman ko. Hindi ko na talaga alam pa kung anong gagawin at iisipin ko ngayon kasi awang awa na ako sa mga anak ko. Sa kagustohan ko kasing matanggap ako ng mga taong nasa paligid ko eh sa mga anak ko naman papunta yung resulta. Siguro kung nabigyan lang talaga ako ng chance na makilala yung mga magulang ko siguro hindi ko dala2 itong mga nararamdaman ko ngayon. Hindi kasi makuntento yung sarili ko sa pagmamahal at pagtanggap na ibinibigay ng mga tao saakin. Palaging may kulang. May mga pangyayari din sa buhay ko ang hindi ko makalimutan. Isa na rito yung nangyari sa bahay nung dalaga pa ako. Dati akong taga Manila. Kasi yung adoptive mother ko taga Manila. Dumating yung time na pinasa niya ako sa nakikilala kong lola dito sa Cebu dahil hindi na niya ma manage na alagaan pa ako dahil may mga problema din siya. Oo, tinanggap ko nanaman yung rejection niya sa akin. Hanggang sa dumating sa point na nakapagbitaw ng salita sa akin nung lolalolahan ko na. "Bakit? Anak ba kita??" At yun nasaktan ako ulet. Paulet ulit. Hindi ko maialis sa utak ko na iba talaga ako. Na talagang mag isa lang talaga ako. Ngayon sinisisi ko sarili ko kasi naipasa ko sa mga anak ko yung mga nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang hina2 ko. Ang weak weak ko. Gabi gabi akong nag dadasal. Nagtatanong sa may kapal kung ano ba talaga ang plano niya para sa akin. Dahil clue less talaga ako. Ang alam ko lang is ngayon nasasaktan ako. Sorry po. Alam kong mataas2 na yung na ipost ko. Pero gusto ko lang talaga ilabas toh lahat dahil ang sikip2 na ng dibdib ko. Sana unawawin niyo po ako. Kung may gusto po kayong sabihin pwede po kayo mag comment. Makakatulong po iyan sa akin. Salamat po!

1 Các câu trả lời

Hi miss. Halos same tayo ng pnagdadaanan, the only catch is ako nman anak tlga ng parents ko.. pero ung situation ntin is the same.. alam mo ang hrap, ksi wla tayong ibang choice kundi magpakatatag. Ang lagi kong snsabi sa sarili ko pag umiiyak nlng ako dhl breaking point ko na, "kayanin mo yan, ung 4 na anak mo sayo umaasa, pra sknila knlang nabubuhay.." and then I'll pray.. kht dko sure kng my nkkinig ba kse prang ang bgat2 nman msyado.. wla mpagsbihan ng ttoong nrramdaman.. and then iisipin q nlang, ngaun lng to.. bka bukas okay nko.. kng gnto padin kbigat pkramdam ko bukas, bka sa isang bukas medyo okay na.. bsta ganun.. nagllook forward ako sa pgging okay ko ulit.. gngawa ko busy srili ko.. browse2 sa FB, IG, dto sa app.. Tayo lng din nman mkktulong sa srili ntin.. bsta ako ayko magpatalo.. kwawa mga anak ko pag nwala ako..

Yan ang greatest fear ko. Yung mawala ako. Kasi paano na ang mga anak ko na sa akin lang umaasa at ako lang din ang meron sila.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan