4 Các câu trả lời
Pwede kayo magpamember pero paalala lang po: medyo mahigpit si SSS ngayon lalo na sa mga mommies na mag papamember sa SSS para lang makakuha ng maternity benefit. Pwede pa rin naman kayo magpamember. Ang pwede nyo bayaran na pasok sa qualifying period niyo is Oct-Dec 2019. Kung maaapprove ni sss yung MAT1 nyo, makakakuha po kayo hindi nga lang po ganun kalaki dahil 3 months lang ang counted.
Yung ibang sss branch mahigpit. Wag mo nalang sabihin na buntis ka. Hulugan mo na agad yung oct-dec 2019. Yun lang qualifying period mo eh. Better i-maximum mo na 2400/month. Tapos saka ka magpasa ng MAT1 pag posted na yung payment mo. Malalaman mo na posted na dun sa website nila kaya need mo mag-create.
Pag 2400/month maximum contribution yun 60,000/180X105=35,000 Punta ka muna sss magpa member ka as voluntary. Tapos after posting ng payment magpasa ka na agad maternity notification. I suggest maghulog ka pa rin ng January-April 2020 na 240/month minimum contribution yun para lang masabing active member ka pa rin at hndi ka ma-denied pag kumuha kna ng claims after mo manganak.
Mag apply ka te tapos sasabihin lahat ng kaylangan mo
Ang sss maternity benefit po ay para s mga members ng sss. Kelan ba due date mo?
Pwede ka naman po magpa member pero susugal ka na po kasi mahigpit na si sss ngayon.
Gian