59 Các câu trả lời

Trial and error po. Side lying o nakatagilid. Whichever side, pero mas preferable ang left. Pero in my case, right side po ako comfortable. Pag left kasi, namamanhid ilalim ng ribs ko. Hindi ko alam kung bakit. Parang naiipit yung matris ko. Experiment ka momsh.

ako rin po nahihirapan na matulog 5months preggy. tapos laging ngalay na ngalay ang sakit ng likuran ko gusto ko lagi nakalapat lang likod ko sa sobrang ngalay pero ang alam ko hindi okay yun, mas okay raw po talaga left side

VIP Member

Left or right ..kung san ka komportable. Pag masakit na ang likod mo, wag ka titihaya ng walang unan na nakalagay sa likod mo. So parang nakaone side ka pa din pero nakasandal ang likod mo sa unan para di ka mangalay.

more on left side momshie but from time to time change position kapa rin momshie kahit nakatihaya but wag nmn matagl pati na rin sa rigth side... more sa left side kasi that is good for you and for your baby...sanayan lng...

put alot of pillows tlga on your sides pangsupport sa likod mo kng nakasidelying ka..mangangalay ka tlga pagwala kang masasandaln sa likod mo

Pinaka ideal is sa left side. Wag daw titihaya to avoid stillbirth.. pero in my case mas malimit na right side ako nakakatulog ng mas kumportable. But i think thats ok.. change position lang kapag nangawit

Left side sis, pero ako minsan hindi ko mapigilan na tumihaya kasi nung hindi pa ako buntis mas comfortable ako sa ganung position na pagtulog. Pero left side talaga mas okay sa buntis sis. 😊

Ang sabi left side. Pero nung buntis ako trial and error talaga. Paiba-iba ng pwesto lalo na matindi ang heartburn ko every night. Basta hanapin mo lang kung san ka pinaka komportable.

Side lying position either left or right. Wag lang supine position ung nakatihaya kasi naiipit ung uterus hindi makaka circulate ng maayos ung blood papunta kay baby.

Sideways sleeping position kung saan ka magiging komportable right side or left side tas lagyan mo ng unan ang tiyan mo sa ilalim kapag nakahiga ka ng sideways

VIP Member

left side sis..pero next week turning 7months na ko hirap talaga makahanap ng position minsan magigising ako nakatihaya na pala ako then balik sa tagilid..

may unan din nman po sa likod ko para may support

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan