27 Các câu trả lời

Depende sa hospital at Dr for PF, sa SLMC-QC ako with private OB last March 2023 lang. total bill all in all kasama na ang newborn screening and mga gamit ni baby at for 3d2n admitted, 165K pati PF kasama na dyan (OB, pedia, anesth) Normal uncomplicated delivery ginamitan ng vacuum since malaki si baby nun. hindi na NICU si baby, thankfully. Service wise at room nila pati ang food, sulit na sulit ang binyad kahit mahal for normal delivery lang, walanh stress kasi sila talaga mismo.lahat ang gagawa for you (sa pagprocess ng bill and all). I asked dati if how much ang quote if CS, and they said na 200-250k depende sa status ng pagbubuntis if complicated or what. mas lalaki pa ang bill if na- NICU. if you have the budget po talaga, you have the option na sa private hospital with good service magpunta. but if medyo tight, go to public hospital kahit private OB pwede dun (since may mga OBs na affiliated ng govt hospital), lesser ang babayaran, minsan nga PF na lang ang babayaran mo at pwede rin magapply sa malasakit program pag sa govt hospital. all in all, choose wisely sang hospital ka manganganak, do po research sa mga kakilala mo kung meron para maenjoy mo rin at di matrauma during your labor and delivery day mo, less stress din kasi pag maayos yung panganganakan. Godbless on your pregnancy :)

sobrang informative po. thanks 😊

bill ko sa hospital (FEU-NRMH) 100k +150k PF ng doctors. kay baby 21k (included na dun ung PF ng Pedia, 10k) kasi nasa NICU, both included na discount ng Philhealth, 19k sa akin ta 2.4k kay baby. Emergency CS ako, di ako pwede sa public kasi high risk pero may mas murang option nmn, nagkataon lang na dun ako dinala ng nilipatan kong OB. Pag mag public ka, mas advise ko sa Quirino. Yung sister-in-law ko dun nanganak, Emergency CS din, 50k+ daw bill nila pero wala silang binayaran kasi lumapit sa malasakit kapatid ko. May mas magandang option kung private, maghanap ka ng may maternity package na all included. Sa totoo lang mas prefer ko Commonwealth Hospital and Medical Center at kung bill ang pag uusapan as compared sa FEU, mas panalo ako kung sa St. Luke's , halos same lang ng bill ok pa service at rooms, hands down.

Feb 2022. Pinagprepare kami ng 120k pero since may complication inabot kami almost 250k since pumutok yung dalawang endo cysts ko. Since premature din si baby @34-35 gestation na-nicu pa sya pero for 1wk lang since big baby at naging okay naman nadin sya after a week plus 90k naman kay baby. Depende din po talaga sa condition nyo pag nanganak, if no complication all in na daw po 120k.

TapFluencer

It depends po sa hospital at sa program na meron ka. Ako po may PhilHealth at Malasakit. Sa VSMMC po ako nanganak dito sa Cebu. Nasa 12k ang bill sa normal delivery ko tapos nag-stay pa si Bebe ng isang araw sa ospital na nag-bill naman ng 8k. Pero dahil sa Malasakit Center, wala po akong binayaran kahit piso. Maganda rin ang serbisyo sa ospital pati kwarto.

Ang alam ko po is sa hospital lang talaga meron.

Hi po. Im about to deliver my baby this December sa Manila Doctors hosp and nung nanghingi po ako ng estimate kay OB, she told me to prepare ₱120k for normal delivery (2days) ₱160k for CS (3days) That is for uncomplicated delivery daw po. Included na daw po jan ang PF for three doctors. OB, pedia, and i forgot the other one 😅

VIP Member

Mag public ka mommy kung gusto mo makamura. Ako sa first born ko CS sa private mahigit 100k 😅😅 kaya sa 2nd born I chose sa public. Ayun libre ako sa public. Sa public naman mommy wagka aasa na aalagaan ka ng mga nurse doon 😅 Hindi ka nila itturing na prinsesa doon mommy. Realtalk lang

dito sa regional hospital (public) namin ay zero billing mapa-normal, cs and nicu ang baby. yung kilala ko halos 1 month nicu baby nila, walang binayaran, cs pa siya. magagaling din ang doctors at mababait ang staff. hirap lang sa ob ward after manganak, mainit, maingay and sharing ng beds.

Depende sa hospital. Aiming for normal delivery ako (2nd baby ko) and nag-quote sa akin ang OB ko ng 40-45k if no complications, private hospital. Sa first baby ko, private OB ko pero affiliated siya sa gov't hospital so doctor's fee lang binayaran ko.

Hello mami. Depende po yan sa hospital na mapili nyo and you can ask for the hospital if how much yung room in nyo and ni baby and also if how much tf ni Ob mo po. Also consider po pag normal or caesarian delivery mas mahal po tlga ang caesarian

ako 2022 ..200k ..emergency cs..pero sinama na dun ung removal ng ovarian cyst ko..depende sa PF at ospital..high risk pregnancy kasi ako..ibabawas pa dyan ung philhealth na 19k at ung maternity benefit ko sa sss 70k..

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan