Magtatanung lang po
Eto po result ng BPS ko medyo natakot ako kasi naka breech pa si baby di pa sya umiikot hanggang ngayon tapos sobrang laki na nya at sobrang dami ng panubigan ko po di po kaya maka apekto sa baby kung masyado madami ang panubigan? May chance pa po kaya makaikot sya?sana may makapansin po#1stimemom here
Breech 3.8 kilos, Ang laki ng baby mo mommy. Same tayo na 38 weeks and breech parin. Sabi ng OB, small chance na umikot pa kaya nagre ready na kami ng budget for cs. Close cervix pa naman ako, next week pag naka breech pa rin, schedule for CS na kami. Sana umikot pa ang baby natin. 🙏🙏 God Bless Us All. 💕💕
Đọc thêmCs ka mommy kung di pa naikot yan, noon kasi kaya nila magpaanak kahit suhi pero ngayon nirerecommend na iccs pag di cephalic baby mo, goodluck sayo saka sa baby mo, tiwala lang kay lord.. Saka sa laki ng baby mo baka wagas pagbiyak sa keke mo kung nakaayos sya pero ccs ka talaga nyan..
Nku ready na lumabas c baby.. Anytime pwede kana manganak.. Sabi ng OB pag d daw umiikot ang baby pag breech parin ibig sabihin maliit sipit sipitan or ambelical cord.. Mag sounds ka tas itutok mo sa pwerta mo.. Bka sakaling umikot pah..
Pareho tayo.. Malaki si baby at madaming tubig.. Sakin kasi high to normal.. 20cm ang amniotic fluid.. May chance daw na macs kung ganyan.. 34 weeks ako.. Ang so far effective yung diet.. Kasi nahahabol ko na yung weight ni baby..
may chance pa kaya sya umikot at hindi kaya maapektuhan si baby sa loob kung madami panubigan😔
Salamat po sa mga time nyo Pasama nalang po sa prayer nyo si baby ko na okay lang sya sa loob ng tummy ko.Sa 26 pa po kasi balik ko ng ob ko di pa din nila nakikita result.Salamat ulit sa sagot nyo mga Momsh❤
mahilig ka ba sa sweets sis? yun dn kasi nagpapalaki sa bata. at usually pag malaki sila may chance ma-cs tlga. depende prn sa kaya mo at sa position ni baby during delivery. pray lng and be prepared sis.
ano meaning nung grade3 beb? kase saken nagpaultrasound ako kahapon 34weeks na ako transverse sya nung unang ultrasound tapos ngayon cephalic na tas grade3 nakalagay. 🤔 salamat
ah yun pala. ang dami kase inexplain ng midwife about sa result ng ultrasound ko di ko na masyado naintindihan lahat. salamat mga mommy 😊👍🙏💯
mommy CS ka po niyan more likely masyadong malaki yung baby mo para sa ang niya and Naka breech siya mahirap mag normal ng breech pag first born sabi sa akin ng ob ko
Ganyan din po ako 38 weeks and 4 days breech pa din tas open na cervix ko. Nagschedule na agad OB ko ng CS kinabukasan kc bawal maglabor pag naka breech, delikado.
ako po breech din sya nung 24w po tyan ko...pero ngayong 37 w na po cephalic na sya..pero nakaka worry lang po bakit 8/10 lang po ung bps ko normal lang po ba un