Depression is real.

Eto ang kadalasan na hindi maintindihan ng mga lalaki. Depression is not a joke!! Depression is real!💔💔 Kung may mga topak misis niyo, yung tipong palagi kayo binubungangaan, feeling nila wala kayong nagagawang tama, palaging mainit ulo etc. INTINDIHIN NIYO!!, Hindi biro yung pinagdadaanan nila. Mula pagbubuntis hanggang panganganak dala-dala nila yan. Palibhasa hindi kayo yung nahihirapan e!! Kung may nasasabi sa inyong masasama? TIKOM NA LANG BIBIG! PLEAAAAASE!! Sakripisyo ng isang ina mula pagbubuntis, hanggang panganganak, hanggang sa pagpapadede. Diyan palang sobra sobra na yung sakripisyo nila!! Buti nga kayong mga lalaki nakakapag-trabaho kahit papano nakikita niyo yung labas. Kaming mga babae, eto kusina, cr, sala, lang ang nakikita. May breaktime kayo kahit isang oras. Kami pagtulog na mga bata akala niyo sarap buhay. HINDI!! May mga kalat pa na dapat imisin at ayusin. Pag oras niyo ng paliligo or pag cr magagawa niyo. Kami HINDI! Kung makapag cr o makaligo man may kasama o kasunod paring bata. Madalas nga hindi pa nalabas yung tae, SOBRA SOBRA NA MAKANGAWA NG ANAK EH! Akala mo sa ibang bansa pupunta kng makangawa cr lang naman. Hahahahaha! Pag kayong mga lalaki niyaya kayo ng tropa sa inuman "G" agad-agad! Pero pag inutusan namin kayo dami niyong "HANASH". Pag kayong mga lalaki gagala kayo ng kayo-kayo lang. Pag kaming mga babae, bitbit ang mga anak. Pag ang mga lalaki pag naka labas, parang ayaw ng umuwi ng bahay. Kesyo may bibilhin daw, pero ang balik na non madaling araw minsan naka-inom pa! Pag ang babae lumabas ng bahay saglit, magagalit pa kayo bat antagal tagal daw wala pa nmn isang oras nasa labas. Kayong mga lalaki kung may gusto kayong gawin magagawa niyo. Kami bago namin magawa! Kung may magawa man may buntot-buntot pa kami sa likod. Pag oras na ng tulog ang sasarap ng tulog niyo. Kami kung hindi nagpapadede ng ganong oras, malamang may naglalaro pang chikiting. Eto pa kayo na unang natulog, kayo pa yung late magising. Samantalang kami late na natulog, maaga pa magigising! Tingnan niyo naman yung difference diba?! Kahit simpleng appreciation lang mula sa inyo OK NA OK na e. Kaya salamat sa mga tatay na nanauunawaan at naiintindihan ang kanilang mga asawa. Isang mahigpit na virtual hugs sa mga nanay na patuloy na lumalaban para sa mga anak nila.🤗🤗 PS: HINDI KO PO NILALAHAT NG LALAKI😊 #ProudMommaOfTWO #MommaOfThailaAndThalia #BreastfeedingMommaForAlmostThreeYears #IAmMultitaskingMomma #TwentyFourSevenMomma #SaluteToAllMommas #DepressionKaLangNanayKami #MentalHealthAwareness IG: kateegrc_

1 Các câu trả lời

VIP Member

thank you for sharing your thoughts mommy relate na relate eh haha post mo din to mommy sa JUST DADS topic 😁

Câu hỏi phổ biến