922 Các câu trả lời

Anmum. Nung 1st time ko nalaman na preggy ako with my first child, bumili ako agad ng Anmun kasi base sa research ko complete yung vitamins nya necessary for fetal development. Yan po ay before ako nag consult sa OB ko. Pagdating ko kay OB, nirecommend nya din Anmum, natuwa pa sya that I took initiative sa pag inom kasi based sa experience nya yung ibang mom clients nya nalalansahan daw sa maternity milk. 😅 Medyo pricey nga lang, but for baby's sake go lang ng go. Anyway, yung reseta nga sakin is folic acid and Vita OB lang kasi daw yung ibang vitamin needs namin ni baby provided na ng Anmum. Matanong ko lang, for those na nag Anmum accdg to OB's advice, yan lang din po ba ang nireseta sa inyo? Thanks.

Bearbrand 😅 tried drinking Promama and Anmum nasayang lang nasusuka ako ang lansa ng lasa, but I took Caltrate plus since may Vitamin D yon paglabas ni Baby hindi sya madilaw kahit 36weeks ko pinanganak, and Sobrang strong bones kahit 1week pa lang pinanganak naaangat na nya ulo nya ngayon 4months sya nakakatayo na sya at kontrolado na nya leeg nya sobrang strong bones

sinabihan ako ng ob ko na wag na uminom ng milk para sa buntis dahil puro sugar lang yun mas maigi pang kunin ko nalang yung nga vit. at minerals sa pagkain. iniiwasan na lumaki ako ng husto para hindi ako mahirapan manganak. nakakalaki ng bata ang mga gatas for pregnant dahil sa dami ng sugar. may tinetake na naman akong calcium nuon kaya ok lang na hindi ako magmilk.

iba iba ng sitwasyon may mga nagbubuntis na dpat uminom ng gatas

anmum sana kaso mula nung 3months di na ko nagiinom ng materna kase nasusuka na ko sayang nga lang dahil 3 box ung binili ng byenan ko kase 2 lang nainom ko di pa ubos manganganak nalang ako ayuko ng uminom nasusuka kase ako sa lasa eh mocha flavor sya 375g pa naman kaya baka ibenta ko nalang ung isa pag nagkataon

For me po Anmum, nung una po enfamama ung iniinom ko pero hndi ko po na enjoy ang pag inom ng enfamama at nagbubuo ung powder mejo hndi ko din bet ang lasa kaya nag switch po ako Anmum mas ok at mas na enjoy ko po if coffee lover ka din sa Anmum meron sila mocha latte amoy kape

Di ako pinag milk ng ob instead i take greek yougurt kc mag cause ng gestational diabetic sakin. Then 5 liters water a day. Then complete prenatal vitamins. I am taking 6 diff vitamins per day kaya complete n sya then more protein and low sugar lng po.

TapFluencer

depende po yan sau kung ano gusto mu pwede kc na gusto nmin pero ayaw mu nmn tulad ko sabi ung unmum daw t he best pero sinusuka ko lang sya so choice mundin po yan try mu muna tikman kung san ka mas nasasarapan

VIP Member

nung unang panahon wala nmang ganyan😅 Pde pa magcause ng diabetes sa pagbubuntis.. Di inadvice ng ob kung healthy nman kinakain mo at nag vivitamins ng sapat no need😅 Save your money para sa mga gamit ni baby😊

Nung una Anmum kc nsa work pa ako nun now nag bear brand kc wla ng pambili ng Anmum haha dhil nag leave na sa work kya now Naghirap sa pambili nauwi sa bear brand minxan pa nga hnd na mkainom ng gatas 😩😞😟

Anmum, parang gusto ko na nga itigil kase 5months naman na tyan ko. kaso asawa ko uminom lang daw ako. kaya ginagawa ko alternate ang inom para tumagal 😂 parang nanghihinayang na ko sa 392 kada 375g eh 🤣

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan