Edd via Lmp (sep 18)
Edd via Utz (sep 13)
Dob (Sep 15)
via Emergency Cs
2.6 kg
Please! bare with me momsh it is a long story 😊
Sunday sep 13 duedate ko pumunta na kami ni hubby sa lying in since due date kona and yun lng yung time na andto hubby ko para samahan ako dhil busy sya sa work at hnd pako naglalabor. so medyo worried na dhil kabuwanan na wala parin akong nraramdaman. pero ang nkakagulat dhil nung time na dumating hubby ko siya lang sguro hinihintay ni baby dhil nung mismong araw na yan din ay naglabor nako! As in active labor.
so punta na kmi ni hubby sa lying in para magpacheck at mag pa i.e. still 1 cm at makapal pa daw cervix pero kakaiba na yung sakit pero tolerable pa naman.
so niresetahan akk ni O.B ng primrose para mabilis numipis yung cervix ko.
so fast forward going home, msakit na siya as in ang interval nya ay around 5-10 mins na hnd nadin ako nakatulog that time dhil tuloy tuloy na yung sakit niya.
The next day monday! mas lalong msakit HAHAH hnd nako nkakatawa mga momsh yung interval nya is around 2-3 minutes nlg pero kinakaya kopa dhil sbe ko baka makapal pa din cervix ko at pauwiin lng ako ni O.B! so lakad lakad ako mahigit 3 hrs kahit na msakit talga napapa aray ako sa sakit ng contraction. kapag ka nawawala ini squat ko sya pero sobrang sakit talga.
Hnd na ko nakatulog nito until morning mas sobrang msakit na as in tipong hinang hina na ako so we decided nila mama na pumunta na ng lying in pra ma check if ilang cm naba at kung pwede na manganak kse hnd kona kaya yung contraction wala ng pahinga! yung tipong dimo alm kung san ka kakapit😅
so to make short story! Pag punta ng lying in 4-5 cm nako pero hnd ako pwede manganak doon dhil yung rapid test nagpositive yung igg. Sbe ni O.B kulang ako sa pahinga at tulog kaya daw nagpositive pero di nila ko tinanggap momsh! isipin mo naglalabor nako naiyak na ko sa sakit pero hnd ako pwede manganak dun. Pero i respect naman their decision. Nung time nato diko na alm kung san kami pupunta ni mama! punta kami another hospital pero hnd dn ako tinanggap ini. i.e ako around 6 cm nako and hinang hina na sbe ng nurse suhi daw si baby at wala silang doctor dun na magpapa anak kaya di ako pwede dun.
Grabe diba? so lipat na naman commute pa kami habang naglalabor ako punta kami another hospital buti nlg mabilis yung driver around 20 minutes sguro nandun kami Pero hnd padin ako tinanggap! kesyo wala na silang bed at wala ng space. grabe talga active labor nako nito ha pero daig kopa nag around the world at daig kopa yung drama queen sa kakaiyak dhil sobrang sakit ng bawat contraction.
nagmamakaawa nako nito dhil sobrang sakit na at tila diko na kakayanin! grabe pagsubok na binigay skin pero laban padin. Kahit awang awa nako sa nanay ko dhil iyak na ng iyak dhil nakikita nya nahihirapan nako 😢 so punta ulit kming ibang hospital palayo ng palayo! ipinagpasa Diyos na lng namin ang lahat kung san kami dadalhin at yun nga answered prayer last na hospital na pinuntahan namin tinanggap ako dhil emergency cs!
pero pinagtrial labor pako ng napakatagal mahigit 6-8 hours! 😪 Dhil di ma confirm kung cephalic o breech yun pala may balot si baby kaya hirap nila ma identify.
sobrang dami ko pang pinagdaanan bago ako maoperahan i.e dto i.e doon habang naglalabor tapos mdami png mga test na gnawa kahit naglalabor nako hys sobrang sakit at hirap.
Thanks God for more than an hour of pain, so much pain! I got operated emergency cs and my baby is out @ 4:17 pm.
All the worst pain so much pain everything was worth it when i saw my son. 💖
Pag naiisip ko paano ko nakaya yun! i thought ako na pinaka ma duwag hehe dhil sa totoo lng ayoko talga mabuntis kse i fear pain pero ito yung nagpalakas, nagpatapang ng loob ko! yung anak ko.
kaya sa mga mommies dyan na may fear dn in giving birth! pray always and surrender everything to the Lord sya lang talga nakakaalm ng lahat. akala ko im all prepared pero all my plans was change kse iba pala yung plano ni Lord pra sakin.
and I owe everything to him 🙏
Thank you Lord, All Glory belongs to You. ❣️
and I pray that all the momies out there will gave birth safely and accordingly to your plan. 🙏
Goodluck mga momies I hope nakapag bigay ako ng inspirasyon sa inyo. Aja lang 👊#1stimemom #theasianparentph
Pretty Fame