EDD via LMP: nov 6 2020
EDD via Utz: Oct. 27 2020
D.O.B: Oct 14
Share ko lang yung bago ako mag Labor..😅
Oct.13 ng gabi kumain pako ng Pancit Canton yung Maanghang tas nag DO pa kame ng LIP ko , Oct 14 , saktong 12 ng madaling araw nakaramdam ako ng pananakit ng puson at balakang ko pabalik balik sya pinakiramdaman ko muna baka kase false Labor lang , hanggang sa 6am na ganon padin nararamdaman ko Sasakit puson at balakang ko tas mawawala tas ilang minutes lang babalik ulit yung sakit , 8am punta kame ng Lying in para mag pa IE , 4cm agad ako pero pinauwe muna ko , 2pm bumalik kame 6cm na di nako pinauwe pinakuha nalang mga gamit nmin ni baby , 5pm admit nako medjo kaya ko pa yung sakit nya , 6pm Sobrang sakit na Sunod sunod na hilab ng tiyan ko di ko na makayanan ang sakit nya.. 6:50 IE ulit , Dipa naputok panubigan ko kaya nag ginawa nung midwife pinutok na nya , Ayun dinala na ko sa delivery room , Medjo nahirapan ako ilabas si baby kase ang Laki nya ,diko sya mailabas ng ayos kaya ayun Ginupitan ako para makalabas na sya , 7:57 lumabas baby ko , kinabahan pako kase hindi sya umiyak nilagay sya sa ibabaw ng tiyan ko pag tingin ko Color Violet sya walang response , Hanggang sa pinalo na sya ng pinalo ng midwife para umiyak nakatingin ako habang ginagawa yun , pero Thanks god at Naging okay ang baby ko 😊 , Grabe yung sakit mula nung nag labor at ilabas sya pero sobrang sulit ng makita ko sya nawala lahat ng pagod at hirap ko., 😊 Kahit konti ata hindi sumagi sa isip ko ang takot , Basta excited lang talaga ko😊 , Sa team Oct jan GoodLuck sa inyo , wag kayo matakot basta lagi lang Positive dapat😊😊
P.S: nung nag pa ultrasound ako nung 5months babae dw sabi ng OB , Pero nung Lumabas baby ko It's a Boy pala😅 pero Okay lang 😊