#BLESSED

EDD: SEP.8 2020 DOB: SEP.11 2020 - JACE SAMUEL M. BIENDO - 3.1 - NORMAL DELIVERY Sep.10 7pm sumugod na ako sa Clinic pero kasi madaling araw pa lang masakit na tyan ko pero 2cm palang daw ako, Pero nong gabi na yon di na ako nakatulog maya't maya na yong hilab ng tyan ko, Sep.11 morning nagsampay sampay pa ako kasi si mister naglalaba kahit medyo humihilab na talaga ng matindi yong mapapabuntong hininga ka nalang sa sakit😭 at para rin nga bumababa pa lalo tyan ko, pero bandang mga 1pm hindi ko na talaga kinaya sabi ko mag papa i.e ulit kaya takbo ulit sa clinic, kaya hindi ako nagdala ng mga gamit pa namin, pero pag dating don pag i.e sakin 8cm na, hindi na ako pinauwi,nilagyan na ako agad ng dextrose,hindi na ako makalakad. Para wala ng minuto yong pagitan ng sakit, sabi ko masakit na masakit na talaga kaya dinala na ako sa delivery room, pero mataas pa daw si baby, ang liit ko pang babae at sabi nga ng midwife ko puro bata yong tyan ko.pinaglakad lakad pa ako ng 30mins, kailangan daw makatae ako para malaman nila kong tama pagkakaire ko, kaya dun ako naglakad lakad malapit sa cr para pag humilab na parang natatae upo lang daw ako sa bowl deretso para makaire ako maayos, sobrang hirap at sakit,sabi ko kay mister parang di ko na kaya,pero siya talaga nagpalakas ng loob ko na kaya ko, nandun siya sa DR hanggang sa mailabas ko si baby at bawat ire ko kasabay din siya umiire, 3:30 ako start maglakad 4 pinasok ulit ako sa DR , 4:20 baby's out, mahirap sobra pero nong nakita ko si baby sabi ko nalang "Salamat po". Nauna pang umiyak sakin si mister, kaya wala siyang nakuhang picture paglabas na paglabas ni baby. To all pregnant mommies have a safe delivery po. Kaya ko?Mas kaya niyo! ADJA! #Firstimemom #Thankyou Lord

46 Các câu trả lời

Thank god nakaraos na po kayo.. Ako po edd ngayon sept17 pro no sign of labor aside sa pasumpong sumpong na sakit ng balakang at puson... Nagundergo ako ng biophysical scoring ob sonologist as per advise ni ob ko para malaman kung cord coil o malaki lng si baby kaya mabagal pagbaba nya kse mataas pdin dw po si bany kahit 5cm na po ako... At sa post nyo po nabuhayan ako ng loob sept 19 bday po ng father ko iniisip ko nlng po baka lalabas sya sa mismong bday ng lolo nya🙏😇😊

mommy kabwanan ko nadin po ngaun sep. 9mon in 3days npo peo dpa po sunod aunod ang sakit. Cs po pla aq 16 po sna pwede rw kc mamili ng date kya 20npili nmn.nrrmdman ko naninigas po tyn ko mommy. at mabigat na po

maliit kc cervix ko sis ca nko sa first ko kla q pwede nko mg normal hndi parin pla kc maliit dw cervix q sbi doc

congrats mommy. another team September na nakaraos na 😊 buti ka pa kasama mo si hubby mo sa DR, ako kase hindi eh bawal kase ang bantay kahit sa labor room. pero nakaraos din naman na.

sis 40weeks and 3days si baby mu ay kc ako worried na 4days nlng duedate ko na no sign of labor padin yung nkita ko post mu may pag asa pa pala sabe ko

sis pwede ba mag labor ung sumakit ang puson na parang may dismenorhea tapos sabay na ung lower back bone ung parang humihilab pero walang mucos plug,. z

Congrats sis .. same tayo maliit lng din akong babae . Pero saglit lng lumabas c baby d nia ko pinahirapan 4 hrs lng din ako naglabor 😊😊

Congratulations mommy❤️ sana makaraos na rin ako 40 weeks and 1 day na ko ngayon pero no sign of labor pa rin white discharge lang

congratss po parehas po tayo maliit na babae tapos purong bata din si baby ko at 3.1 din weight ni baby🤗

Ilang days palang si baby mo nakatagilid na agad parang matanda hehehehe

#TeamSeptmeber may pag-asa pa! Hehe. Congrats, momma! 🤗

VIP Member

congrats po, ang balbon ni baby 😍

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan