EDD: October 31 base sa unang ultrasound
LMP: October 14 Base sa gender
DOB: September 3
September 3 mga 4:30am akala ko panaginip lang yung pagkaihi ko. Nakaihi ako sa higaan that time hindi na huminto ihi ko since ang ihi lang dapat saglit lang ako umabot na ng 10-15mins sa pagkaupo ko sa arinola nung una wala pang dugo pero nagkaroon sya after 10mins. Wala akong maramdaman na sakit nun sa puson pero sumasakit na balakang ko. Gumayak na kami nun walang ligo at d na talaga humihinto pagihi ko. Nagpunta kami sa lying in dito samin kaso d ako tinanggap dahil 32weeks palang ako nirecommend ako sa hospital pero need daa confine muna. Nagpunta ako ng OB ko para ipakita yung situation ko at hingi din referral. Ini IE ako ang sabi niya 5cm na kaya binigyan na ko ng referral at nirefer ako sa PJG since ayaw ko sana dun manganak pero no choice kasi dun lang complete ang gamit at may incubator.
Pagdating namin ng hospital 8cm ng 11 am na nun dko na kaya sakit ng puson at balakang ko kaso need interview pa. 12:39pm baby's out.
Fast forward ang sabi ng pedia si baby ay 37weeks na at 2.3kg pero nagstay kami sa hospital ng 8days dahil may pneumonia si baby pero ngauon ok na sya.
#FTM
Rogeline Comadre Velasco