EDD: November 28, 2020
DOB: November 3, 2020
Weight: 2.2kg
Nov.2 10am: nagkaron ako ng bleeding & mucus plug. OB advised na magpunta ng ER. pagdating sa ER, hindi pa daw open ang cervix ko so pinauwi muna kami and OB advised complete bedrest. OB scheduled a consulation for Nov3 9:30am (hindi na natuloy dahil lumabas na si baby)
Nov.3 3am: nakaramdam ako ng pananakit ng puson every 10mins. contraction na pala yun
Nov.3 5:30am: pumutok panubigan ko
Nov.3 6am: arrived sa ER. ginawan ako ng series of tests including covid antigen. 5cm na daw ako that time
Nov.3 7am: inakyat na ako labor room. 9cm na daw agad. binigyan na ako ng sedative kasi iire na daw ako ng wala pa mga doctor
Nov.3 8:29am: gave birth to this baby girl via normal delivery.
she is only 36weeks & 4days nung pinanganak ko sya. pero nung ginawan sya ng assessment ng pedia thankfully considered na sya as full term 37weeks old baby.
sabi ni OB usually daw ang cervix is nagoopen ng 1cm every hour, ung sa akin after 1hr lang naging 9cm from 5cm, might be because of infection daw pero everything is okay naman daw nung chineck nya. thankfully hindi ako pinahirapan ni Baby sa paglalabor, normal delivery pa din & most importantly safe kami pareho. 😊#1stimemom #firstbaby