EDD: NOV.7
DOB: NOV.6
via CS Delivery
NOV.2- May brown discharge pero di sya sumasakit .
NOV.3- Check up ko sa lying in . in'IE ako 1cm plng at mataas daw si baby msyado . di maabot ni midwife . So umuwi pa ko nun . May lumabas n blood . Normal lng yun kse na'IE .
NOV.4- Pag gising ko ng umaga may blood discharge ulit . Di ko pinansin ksi baka sa IE lng . Naglaba pa kami ni hubby . After nmin maglaba may blood ulit pero kasama n syang parang sipon sipon . So sign n dw yun na malapit n .
NOV.5- May sipon sipon n nmn na lumabas . Pero wala akong naramdamang kh8 anong sakit . Bukod sa puson . Pinilit ako ng tita ni hubby n pumunta n dw sa lying in baka dw manganganak n ku . Kaya pumunta ko para sure . in'IE ako 2cm dw pero ang taas pa tlga ni baby sobra . kaya umuwi pa kami . kinagabihan tawa pa ko ng tawa . Pagtayo ko galing sa pagkakaupo may bumulwak na konting tubig . Pastop stop pa sya . 3x yung pagbulwak ng konting tubig . So nagdesisyon n kaming pumunta ng lying in kasi ganun na ganun nangyari sa kapatid ko . Pinaabot pa nmin ng umaga kaya na'CS sya . So balik tayo sa kwento . kala ko di ako maccs pag agahan nmin pagpunta kasi konti plng lumalabas sken n tubig . Yun pla maccs din ako kasi 1cm plng dw . At wala akong nararamdamang kahit anong sakit . Pag inantay png maglabor ako baka dw maubusan ako ng tubig at mapahamak si baby . Kaya charrrraaaaann ! Meet my baby boy . Kyle Matthew 👶❤️☺️#1stimemom
Sarah Jane Ignacio