Just got my early Christmas gift! Thank you Lord... 🙏🙏🙏

EDD: Nov. 29, 2020 DOB: December 4, 2020 AOG: 40w 5d Via: ECS With gestational diabetes, been a covid positive @38weeks.. negative @40weeks.. 🙏 Scheduled for induced labor sana ako last Dec.4 ng 11am pag check ng heartbeat ni baby hindi na maganda ung pag taas and pagbaba nya. Pag IE din sakin 1cm palang din ako and sobrang taas pa ni baby. Nag decide kaagad OB ko na iCS ako kaagad baka bumagsak heartbeat ni baby if mag labor pa ako. 2:30pm nag start ung procedure for epidural grabe akala ko isang tusok lang yun un pala sobrang dami 😭.. hindi kumagat ung epidural so na General Anesthesia ako and un na ung last na naalala ko pinapaabot ni doc ung GA after ko malagyan ng catheter. Pag gising ko ng 6pm nasa recovery room na ako ang sobrang nanginginig. After mawala ng panginginig ko inilipat na ako sa room nmin kasabay ko si baby galing NICU.. na oxygen pala sya kasi mejo nahirapan sya huminga.. kaya pala ang taas nya and di sya bumababa nakapulupot ung cord nya sa leeg nya.. sobrang thankful ako na naCS ako kaagad before mag drop ang heartbeat nya. Kahit pala sobrang tindi ng naranasan ko na iCS ako and na intubate pa because of GA narealize ko na matindi din pinagdaanan ng baby ko sa tummy ko buti binigay pa din sakin sya ni Lord... sobrang thankful ako sa app na to sa lahat ng mga advice and info about pregnancy.. Sa mga manganganak palang good luck sa inyo praying for a healthy baby and safe delivery. Importante ma monitor ung heartbeat ni baby lalo na kapag malapit na and due date.. 2 days before ako manganak maganda ung result ng BPS and NST ko pero pag balik ko for induce labor after 2 days hindi na naging maganda result ng heart beat nya..

20 Các câu trả lời

congrats mamshie 💖 tanong ko lng po nung covid positive ka naadmit kapoba for medication or asymptomatic lng po ikaw? tia sa reply.😊

hindi po momsh walan nman akong symptoms pero pinag bed rest ako para di ako manganak ng positive pa... x5 kasi magiging bill sa hospital kapag nanganak ka ng positive.. thank god bago ako manganak nag negative ako sa swab test..

Same story. Pero di naman covid+. BP issues naman yung sakin tas nalaman na nakapulupot nung nabuksan na. :)

congrats po! if you dont mind, ask ko magkano nagastos mo sa manila med and if private ba? salamat!

yup momsh malaking tulong pa din si philhealth.. nag private room din kasi kami kaya mejo malaki ang bill and na NICU pa si baby pero saglit lang nman na oxygen sya mejo mahina pag hinga nya pag labas eh.

Congrats mommy! 😊 Sino po nagpicture? Pwede pong may kasama sa delivery room?

Galing naman! Hehe Fone ni OB mo po yan or binigay mo po fone mo? Hehe

congrats mommy! 💖 GOD IS GOOD ALL THE TIME 💗

thanks God at safe kayo ng baby..

VIP Member

Congratulations po💖🎉🎉

VIP Member

Blessing! Congratulations

congrats mommy🥰❤💙

Congratulations parin!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan