Edd: nov 28, 2020
Dob: oct 26, 2020 via emergency cs
2.2 kg
Naglabor ako 26 ng 6:30 am habang sobrang lakas ng bagyong quinta, di pa sya dapat lumabas kasi 35 weeks pa lang. Pagdating namin sa hospital bandang 11:00 am lalabas na daw, pero di ko pwedeng inormal kasi breech. Transfer agad ako sa pinakamalapit na hospital na may nag ccs kasi yung ibang hospital nabahaan na at walang doctor.. 1:29 pm labas na si baby. Buti safe sya. Inilawan lang sya ng 24 hours at ok na well adopted na sa outside world. 💗💗💗