EDD - Nov 17, 2021
DOB - Oct 23, 2021
via Schedule CS
1,800 grams
Oct 20, 2021 papacheck up lang sana kami sa hospital para may record last 2 utz ko kasi breech pa si baby and last bps ultrasound ko naka transverse si baby. Then nung chineck up ako ni ob diretso utz na, tapos pinatawag si hubby kinakabahan na ko kasi alam kong may something tinapat na kami na need daw ako ics kasi breech si baby at kaunte na lang daw amniotic fluid ko sobrang nagulat kami kasi last bps ko which is oct 15 lang nasa 14 cm pa sya tapos biglang naging 4 cm. Gusto kong umiyak that time kasi gusto ko talaga ma normal del ko si baby and iniisip ko that time baka mapano si baby kung ubos na panubigan ko eh need pa antayin yung result ko ng laboratories kasi nga wala yung record ko sa kanila and yung sobrang nagpalungkot sakin si baby daw di akma yung buwan nya sa laki nya nagtaka na naman kaming mag asawa kasi di naman yun nakita dun sa clinic na pinapagpa check up-an namin. Then, Oct 23, sched ko na for cs 5 am kami na admit sa hospital while waiting kasi may naunang iccs nag papipray kami ni hubby, nagdasal na din kami ng rosary and lahat ng mysteries nag lagay kami ng prayer intention kasi sinabi samin na possible daw iincubate si baby dahil nga sa case nya. During operation, hawak ko lang yung rosary ko then ipinagpasa Diyos ko na lang ang lahat. 10:59 am babies out na and sobra sobrang nagpapasalamat kami kasi healthy si baby ang nakasama namin sya sa room for 3 days. Talagang napaka buti ni Lord. Totoong di Nya pinapabayaan ang mga taong sumasampalataya sa Kanya.
When fear ends, faith begin 🙏💙
PS. I have bicornuate uterus (heart shape) kaya pala di masyado lumaki si baby sa loob ng tummy ko and kaya pala naka breech sya. Nakita na lang na ganun yung uterus ko nung inoperahan ako. Nagpaka stress pa ko bat ayaw umikot ni baby 😂😭#1stimemom #firstbaby