Baby's out

EDD: June 15,2020 DOB June 15, 2020 via CS hays labor starting 11pm ng june 14. 12am may lumabas na na mucus plug. every 5mins na interval ng contractions ko pero lasting 30 secs lang. 2am nagmsg na kami kay doc if need ko na pumuntang clinic. oo daw kaya by 3am nasa clinic na kami. first IE sakin 1cm kaya akala ko mapapauwi ako. pero chineck nung isang nurse 3cm na daw ako. tinawagan nila si doc para itanong anong gagawin sakin. iadmit na daw ako since schedule nadin talaga ng induce ko. tinurukan na ko ng pampahilab pagkaadmit sakin. by 8am 8cm na ako pero hindi parin pumuputok panubigan ko. pero ereng ere na ako. pagdating ni doc dinala na ko sa Delivery room. si doc na ang pumutok ng panubigan ko at pinag umpisa na ko umire. pero sobrang taas daw ni baby na kahit anong ere ko imbes na lumabas eh bumabalik sya sa loob. kaya by 9am after 1hour na pag ere at walang katapusang sakit. nagpasya si doc na i CS na ako. kaya sinugod nya na ko sa hospital na pinagdudutyhan nya din. after 1hour na pag iyak at pagwawala sa backseat ni doctora nakarating din ng hòspital. sinalang agad ako sa OR. 10:18 baby's out. sobrang hirap at sakit pero worth it na healthy si baby. Edit: double cord coil si baby kaya pala hindi sya mailabas kahit anong ere ko. At buti nalang hindi sya nailabas ng ganong sitwasyon. Thank God padin talaga.

Baby's out
42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hirap ng dinanas mo momsh..pero worth it kasi safe and healthy kau ni baby....ako CS din pero after ng anesthesia ko tulog agad ako dko nakita at narinig iyak ni baby ko 🤦‍♀️

4y trước

High risk ako..apas patient..need ilabas si baby ng 37wks...

Congrats po momsh🥰🥰😇God is good po talaga. God bless po sa inyo ni baby🥰🥰🥰Ang cute cute nya.😊😊😊

4y trước

Totoo momsh buti di nya kami pinabayaan ❤

Congratssss po!! 😊💗 Sorry po, pero ask ko lang kung magkano inabot ng bill mo po sa CS and ng bill ni baby?

4y trước

Anong name po ng private hospital? Thank you po. 😊

Congrats mommy I remember un skin nmn rare true knot umbilical cord buti ngpacs me. Keep safe mommy

Same tayo momsh, ganyan na ganyan din nangyari sa akin kaya ako na CS. Congrats momsh at pagaling ka 😊

4y trước

Labor ako halos buong araw, birthday na birthday ko pa naman 😆 Pero ok lang at least safe ang baby, malaking reward na sa atin yun 😍

Nkaka kaba pg malapit na.... mabuti kpa sis nka raos na...hi baby...🤗🤗

4y trước

Oo nakakakaba pero pag andun ka na mommy sure ako makakalimutan mo yung kaba. Iba mararamdaman mo.

Mommy hnd poba nakita sa UTZ nyo na naDouble Chord Choil si baby po?

4y trước

Hindi po nakita sa last na ultrasound ko mamsh. Baka after nung utz ko tsaka sya nabuhol sa cord nya. Malikot kasi talaga sya sa loob. Kaya nga po pinush namin na maglabor ako. Buti nalang talaga.

Congratulations po. Thanks God ligtas kayo pareho ni baby.

Buti pa kayo may pic momsh wala ako eh bawal, congratulations po!

4y trước

OB gyne ko po ang nagpicture nyan mamsh. Sya din ang nagsend sakin ng picture :) kaya nga buti nalang mabait si OB

Thành viên VIP

Wow. God is Good. ❤️❤️ Congrats momsh!