My Happiness

EDD: July 31,2020 DOB: July 26,2020 via NSD 2.6 kls. ❤LIGEL ZACHARY BEJERANO SANTIAGO❤ I just want to share my experience. July 24 ng gabi humihilab na tyan ko pero ayaw ko pa pumunta sa paanakan kase kaya ko pa yung hilab ng tiyan ko kaya tinulog ko na lang . July 25 paggising ko wala na yung pain kaya nagbabalak ako maglaba. Kaso nung maglalaba na ko humilab nanaman tyan ko, yung hilab niya tolerable pa naman. Wala naman akong discharge at every 20mins. pa yung paghilab niya. Naglinis pa ko ng kwarto namen, nag-ayos ng crib ni baby at nagready ng mga gamit sa panganganak. Natulog ako ng 3pm to 6pm paggising ko nag cr ako pagkaCR ko may spotting ako pero di ko pa rin masyadong pinansin. Hindi naman na humihilab tiyan ko eh. July 26 4am para akong natatae na ewan kaya nagcr ako pagkacr ko may mucus plug na ko kaya naligo na ko para makapunta sa ob gyne ko. 6am pumunta na kame ni hubby sa paaanakan ko, PagkaBP saken 180/120 BP ko highblood ako kaya force labor na daw ako. Tapos sa last ultrasound ko low lying placenta ako kaya bawal ako i-IE pero pinush nila i-IE (2cm) ako kase grabe na yung hilab ng tiyan ko. Sabe nga ni OB force labor na ko pero di nila ako maaa-accommodate kaya binigyan na lang nila kame ng referral (takenote referral lang binigay saken dapat nagbigay din sila ng ambulance sabe ng s.palay ospital kase very dangerous yung condition ko) Lumipat kame agad ng hubby ko sa s.palay ospital. Napakaayos kausap ng mga nurse at doctor dun. Pinupush nila kame magfile ng case dun sa medical clinic na papaanakan ko sana kase very wrong daw yung ginawa nila (Nakatrike lang kase kame ni hubby eh) paglipat namen sa ospital sinabihan na nila agad ako ng kulang sila sa gamit. Kaya pinaglaboratory na lang nila ako para less hassle kapag lumipat ulit kame sa malaking ospital. Habang nag iinatay ng result grabe yung hilab ng tiyan ko. Mga 3hrs din kame sa s.palay ospital dahil sa tagal ng ambulance. Pagkalipat saken sa Malolos ospital napakadaming injection na tinurok agad saken (siguro di bababa sa 20 na injections) Kase force labor lang ako. Pero yung di ko makakalimutan sa lahat ng ininject saken yung mugsulfate sobrang init niya sa katawan para kang sinusunog ng buhay, nasuka pa ako sa sobrang init . 6 injection ng mugsulfate (kaway kaway sa nakakaalam ng gamot na yan, pampababa ng dugo) ECS na daw ako kase di bumababa dugo ko at low lying placenta ko. Pero nung pinasok na ko sa ER iniwan lang ako sa sulok as in walang nag aasikaso saken hinubaran lang ako tapos sabe saken umire lang ako kapag humilab. Ako naman na hinang hina na sa dame ng nangyare di na nageffort umire kase sa isip ko ECS naman na ko eh. Mga 4pm nilagyan ako ng primrose grabe na yung hilab ng tiyan ko sabe ko sa doctor dalhin na ko sa OR kase di ko na kaya. Hindi yung sakit, feeling ko kase mawawalan na ko ng malay sa sobrang pagod sa lahat ng nangyare. Quarter to 5pm pag IE saken 7cm na daw ako at malambot na daw yung cervix ko ilang push na lang daw at lalabas na si baby. Syempre ako naman na ayaw maCS pinush ko na ng bongga saktong 5pm naramdaman ko na yung ulo kaya nagsisisgaw ako na lalabas na si baby kaya nagsilapitan sila saken. Ipinasok agad ako sa DR pagkalipat ako sa higaan sa DR hinang hina na ko, sabi ng doctor saken 2 push na lang daw at lalabas na si baby. Hinang hina na ko as in 2 na silang lahat sa paningin ko. Sa last push ko binagay ko na lahat ng natitirang lakas ko. Napasigaw pa ko sa sobrang pagpush. 5:11pm BABY OUT na ❤ pagkakita ko sa baby ko parang nagkaenergy agad ako gusto ko yakapin baby ko kaso bawal pa daw kase lilinisan pa siya. Di ko agad siya nakasama sa ward kase under observation pa siya. May deperensya kase siya eh. Pero after 4 days discharge na kame parehas. Thanks God at di mo kame pinabayaan. Kahit napakalaki ng bill namen nagbigay ka pa rin ng mga taong tutulong sa amin ❤ PS. Pasensya kung mahaba. 😂 Goodluck sa mga team soom to be mom ❤

Câu hỏi phổ biến