EDD: July 27, 2021
DOB: July 15, 2021 via ECS
Long post ahead. Sharing with you my daughter's birth story. For awareness na din especially for first time moms like me. Trust your gut feeling if you felt like something is wrong. It's better to be safe than sorry talaga.
July 15 around 3 am, I woke up. Usually, gising talaga ako ng madaling araw kasi I work US time. And madaling araw din alam kong mas active si baby. Pero during that time di ko pa nararamdaman movements niya so I thought tulog pa and sinabi dun na mejo pwede maging less active si baby kasi lumiliit na space niya sa loob ng tummy ko .
Then came, 5 am. Dun na ko mejo worried kasi di pa siya gumagalaw talaga which I expected na gagalaw na siya kasi yun yung pinaactive time of the day niya. Kaya I tried to eat breakfast na. Kumain ako ng matamis, maanghang, malamig then finally gumalaw siya pero very weak lang. So narelieved ako pero I tried poking her para gumalaw pa pero iba talaga pakiramdam ko di ako mapakali nun. Next galaw nuya around 8am na. Ganun parin weak yung galaw then mas konti lang. Luckily, weekly sched ko ng prenatal checkup nun.
Around 11 am ayun nakausap ko ob ko then nacheckup na ok naman yung heartbeat ni baby pero sobrang di parin ako mapakali kaya she advised me na pumunta na ko sa hospital kasi she won't risk it daw need na ecs kasi nga normal naman sa findings pero mejo alarming yung mga nararamdaman ko kay baby.
Yun na nga around 1pm nagpaswab then admit, run some lab tests and imaging, boom OR na agad.
3:11 pm, I gave birth to a baby girl.
Findings: 2 nuchal cords plus cord knot.
Grabe yung relief ko nun na di ko binalewala yung sign na pagiging less active ni baby. Sabi ng ob ko buti nalang din naics agad kasi may possibility na maging stillbirth dahil dun sa cord knot. I'm getting emotional as I'm typing this. I'm just so thankful lalo na kay Lord na everything went well and I delivered my baby girl alive.
Mga mommies if ever my gut feeling kayo na parang may mali, wag niyo basta balewalain. Tiwala lang din kay Lord, dasal. Everything will be fine. ❤️