sharing my birth story ❤️
Edd: July 1, 2020 Dob: June 19,2020 3,1kls 38weeks&2days via Normal delivery ATHALYA FAITH ❤️ june 17 , 38weeks ako 2nd IE ko sa lying in 2cm palng ako , pinasakan ako Ng borage oil sa pwerta . Pag uwe ko sa bahay nag squat ako lakad sa hagdan uupo lng ako pag kakaen . June 18 around 4am may lumabas sakin na bloody na malapot mucus plug na pala Yun maghapon ako nilabasan nun more on squats lakad lakad pa Rin ginawa ko maghapon then mga 7pm nasakit na balakang ko Parang pinipiga 😣 nawawala Yung sakit Ng 1minute then bumabalik na Naman every 5mins hanggang sa nag 1am na ganun pa din so nag decide kami na pumunta na Ng lying in Hindi muna kami nag dala Ng gamit gusto ko lng talaga mag pa check . Pag check sakin 3-4cm palang ako pinauwe din kami Yung sakit na nafefeel ko labour palang daw Yun Wala pa sa active labour . Pero pag uwe namin sa bahay Yung sakit grabe na talaga tas Yung interval nya seconds nalng . Iyak nako Ng iyak . Sumisigaw nako sa sakit nagdecide na kami Ng partner ko na bumalik sa lying in dinala na din namin mga gamit 5:30am Yun pag check sakin Ni doc 8cm nako nilagyan nako Ng swero tinawagan na din Yung ob na magpapaanak sakin habang hinihintay namin Yung ob pinag squat muna ako tas Nung Parang taeng tae nako dinala nako sa delivery room mga 6:00 am Tinuturuan ako Nung dalwang midwife Kung pano umire since first time mom ako Hindi ko talaga Alam Kung pano pinapagalitan nya nako nilakasan ko loob ko pray lng ako Ng pray 🙏 dumating na Yung ob binigyan ako Ng instructions naka dalawang ire nako Wala pa din pinatagilid ako sa left side kada hilab iere ko lng daw ginawa ko yun nakakalakas Ng loob pag sinasabi nila very good mommy pinatihaya ulit ako and 3long push lumabas na si baby. 😍❤️☺️ 6:57am Thank you ako Ng thank you habang umiiyak 😭☺️ worth it lahat Ng sakit Nung nakita ko na si baby . Thank you so much sa app nato sobrang dami Kong natutunan ☺️ sa mga mommy's out there na Hindi pa nangangak good luck ☺️ kaya nyo Yan pray lng 🙏😘