36 weeks and 5 days
EDD: feb 12,2020 DOB: jan 20,2020 My baby boy Rayhan kien 2.6 kilos Jan 18, 8 pm unti unti na pumuputok panubigan ko hindi muna kame nag panic kase wala pang contraction and wala pang dugo kaya nag antay kame hanggang umaga. Nung kumakaen na kame pag cr ko bigla may lumabas na dugo saken kaya naligo agad ako at nagbibihis dinala na din namen mga gamet ni baby para kung sakali na iadmit ako eh dina kame babalik sa bahay, Jan 19, 4 cm nako pero no pain paden nararamdaman ko pero dame ng tubig nawawala saken pag punta namen. Sa gen.hospital hindi ako tinanggap dahil wala sila available na room for preterm baby kaya lumipat kame sa quirino sakto may conatct ako ng ob ko na private dun kinausap ko sabe ko pwede bako manganak sakanya, tinanong kung private napa OO nalang kame kase no choice na need na ilabas si baby, kaya ayun pumunta kame agad sa quirino hospital inadmit na nila ko pag punta dun at 6cm na nga ako pero no pain paden, hanggang sa inalok ako ng anesthisiology na kung gusto ko daw ba mag pa painless sabe ko ayaw ko kase masyado ng malaki aabutin ng bill namen pag nag pa painless ako, pero syempre mabait asawa ko ayaw ako mahirapan kaya siya na pumilit sa doctor na mag paniless ako, at thank you sa kanya kase di ako nakaramdam ng kahet na anong saket. sabe ng mga doctor mga 10pm lalabas na si baby pero napakagaling ng baby ko kase 5:51 am na siya lumabas sinakto niya sa birthday ko kaya tuwang tuwa lahat ng mga doctor dun samen kase sumabay si baby sa bday ko, sobrang sarap sa pakiramdam pala talaga na makita mo na si baby na nakalabas sayo, Kaya sa mga mommy jan na sumagot sa lahat ng tanong ko maraming salamat sa inyo sana maayos tayong makaraos lahat kaya naten to. Pray lang talaga ang pinaka mabisang pang alis ng pain lagi niyo lang kakausapin si lord.