NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!

EDD: December 11-21 DOB: November 18 Gender: Baby Boy ( Jacob Conner C. Mendoza ) 35weeks Makakapagshare narin ng experience. November 17 pass 6pm kumakain kami nakakaramdam nako ng pain ung feeling na para kang matatae na rereglahin,masakit pati balakang,pero nakakaya ko pa. Di ko alam na naglelabor na pala ako nun? hanggang lumipas ilang oras,ganun parin ang pain wala ng 10mins ang interval ng hilab grabe. Iniinda ko na talaga siya napapaupo nalang ako pag hihilab siya. Around 9pm nagpasya kami na magpunta na ng hospital,hinanda na namin mga gamit just incase. Di ko pa kabwanan kaya nagtataka ko bakit ganun na sakit. Pagpunta namin sa hospital sa ER diniretso ako sa examination room pagkaIE saken 4cm na pala ako. Edi kinabahan nako kasi masyado pa maaga para manganak ako kasi 35weeks pa lang si baby. Wala na magagawa kasi talagang dirediretso na di na kayang pigilan dahil nga 4cm na,inadmit nako. Dinala nako sa labor room. Alam mo yung feeling na hindi mo kasama mga mahal mo sa buhay,mag isa ka lang sa labor room gaano kasakit un di ba? Wala ka matawag. Hanggang sa 5-6cm na,lalo na tumindi ang pain nawawala wala naman pero sandali lang at hihilab na agad siya. Iyak nako ng iyak,panay tingin nalang ako sa orasan kahit na sinaksakan ako ng pain reliever 2x di tumalab sakin kasi mas ininda ko yung sakit. Gang sa nag8cm na aroound 7:20am na,dumating na ob ko,nakikita niya gaano nako nahihirapan sa sobrang sakit paga na mata ko kakaiyak. PagkaIE niya saken mag9cm na,nagdecide na siya putukin panubigan ko,edi lalo na sumakit kasi naiire ko na talaga di ko na kayang pigilan,dapat epidural gagawin,kaso sabi ni doc wag na dahil 10cm na,nandun na anesthethiologist handa nako turukan,pero di na pumayag si doc sabi niya kasi kakayanin ko naman daw. Nagtiwala ako saknya na kakayanin ko,kahit yung ibang doctor at nurse pinapalakas loob ko. Hanggang dinala nako operating room. Nawawalan nako ng lakas kakaire. Tinulungan nako ng ibang doctor para itulak tyan ko. Sige ire lang ng ire isabay daw sa paghilab. Ganun naman ginawa ko at wag daw sisigaw. Isipin nalang parang tumatae. 9am nailabas ko si baby. Awa ng dyos,healthy siya at di na nilagay sa incubator. Wala rin complication?worth it lahat ng sakit kapag narinig mo na iyak ni baby. Maginhawa sa pakiramdam. Di talaga tayo pababayaan ni god. Kaya sa mga momshie na manganganak pa lang,lahat ng sakit talagang titiisin niyo basta para kay baby?wag kayo matakot,lagi magdasal at think positive lang na kakayanin lahat at makakaraos. Hehe. Goodluck sa mga di pa nanganganak??God is with us all the time. Meet my little Warrior?♥️ Baby Jacob Conner C. Mendoza ? Via NSD

370 Các câu trả lời

VIP Member

Congrats po! Almost same experience. Dec.2 naman due date ko nanganak ako ng Nov.9 36weeks and 5days naman. Normal delivery din.

grabi with feelings pagbabasa ko na parang ako ung asa position mo momsh. congrats at nairaos mo ng maayos si baby❤️❤️

VIP Member

Taga angeles po pla kayo momshie ako din po kc taga angeles. Sana makaraos ndin po ako tulad mo.. Super excited napo ako manganak.

Makakaraos lahat momshie. Basta magtiwala lang sa sarili and think positive. Dka pababayaan ni god. Magdasal lang palagi.

Congrats! Ako din nung nanganak ako, nag dasal talaga ako, na tulungan ako ni god kasi hirap na hirap akong umire...

Congrats ❤️ Healthy si baby 🤩 AUF ka nanganak sis, Jan din nyan ako sis. Ilang araw ka nag stay sa hospital?

Thank you sis, God Bless ☺️

Congrats po sana ako din makaraos na Dec. 15 edd ko pero sabi ni ob baka sa Nov 25 pwede na ako manganak 🥰💖

Congrats momsh Pagbasa ko palang momsh naiyak na ako sa takot ako na susunod edd dec12 fear lang ang meron ako ngayon.

Nakayanan ko at makakayanan niyo rin momshie. Akala ko din hindi ko makakayanan kasi gusto ko painless talaga. Nagtiwala ako ng sobra sa ob ko na wag na magpaepid kasi malapit na si baby. Kahit sobrang sakit na inisip ko nalang si baby makakaraos kami parehas at magdasal lang. Lahat ng sakit tiniis ko,ultimo pagtahi at pagtulak sa tyan ko para mailabas ko agad si baby as in madiin. Lahat ng pain ramdam ko. Hindi tumalab sakin pampatulog nung nailabas ko siya. Kaya ramdam ko pag tahi masakit at cuttiter mahapdi. Ginhawa naramdaman ko nung narinig ko iyak ni baby. Mapapathankyou ka nalang talaga kay god. Mga momshie. Kaya niyo yan. Isipin niyo nalang kung paano naghirap magulang niyo nung pinanganak kayo,ganun din kung pano niyo maramdaman pag kayo naman ang nanganak. Para mafeel niyo talaga pagiging isang mommy!🤗😊mawawala na kaba niyo pag naglabor na kayo. Kasi iisipin niyo nalang konting konting tiis nalang at finish line na. Hehe.

Congrats mommy! Same tayo ng hospital mommy. Magagaling sila lahat jan. And also sa pedia nya. Doc paul. Magaling din

Yes momshie. Tsaka mababait pa. Dka nila pababayaan.

wow galing mo naman momsh at ang galing din ni baby kasi kahit dipa sya fullterm healthy siya..congrats momsh

VIP Member

Congrats sis! Natagtag ka ba kaya maaga ka nanganak? Balak ko kasi targetin na 40weeks para kabday nya daddy nya.

Grabe tagtag ko momshie. Napaaga tagtag ko kaya napaaga rin panganganak ko. Nagselan ako masyado. Threatened preterm nako since 5months,naagapan pa naman paglabas niya nun. Ininject ako ng 4 steroids shots para sa lungs ni baby just incase lumabas si baby. Nagsspotting nako nun. Awa ng dyos umabot ng 8months si baby 35weeks siya pero preterm parin. Pero healthy siya at hindi na nanicu. Praise god.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan