76 Các câu trả lời

Momsh, wag ka hihinto sa pagpapabreastfeed. Kung hindi kayo tabain, possible na isa ding factor yun, genes. Wag ka mag give up, sobrang healthy ng breastmilk, yun lang ang pinakambisang protection na maibibigay mo kay baby. Hindi dahil di mataba, unhealthy na. Basta walang sakit at malikot, walang problema. Kung gusto mo po, consult your pedia pero HUWAG mag stop sa breastfeeding.

Mag vitamins ka din po...kung ung vitamins niya natry niyo na ng 1 month tapos walang effect kausapin niyo po ulit si pedia...ganyan din kasi baby ko noon...payat daw..niresetahan ng pampagana kasi nawalan siya ng gana bandang 3rd month niya..normal naman na ngayon ang timbang niya..mukha lang din siyang payat pero naabot naman niya ang normal weight..hindi rin kasi ako tabain...

Okay naman ba mamsh new born screening nya ?? Or wala naman ba sinasabi si pedia po na mali kay baby ?? Si baby ko nung nag BF ako ang payat nya pero nung bumalik ako sa work nag mix feeding sya bgla syang lumaki .. 2months nag 6kl sya .. and vitamins po tiki tiki saka ceelin . And everyday i bath time niyo po si baby nakakalaki nang baby yun momsh .. advisable po sa pedia yun ..

Ok lang yan sis. Basta pasok si baby sa curve. Si LO 5.0kg, 3months and 28 days girl. EBF din si LO. Pasok naman sya sabi ng midwife kanina sa center (nagpa-IPV kami kanina😍😍😍). Base kasi sa birth weight ng baby natin kung normal ba sila as per our pediatrician. Basta tuloy lang pagpapa-breastfeeding mo sis. Wag ma-discourage. 😍😍😍

VIP Member

Iba iba naman po kase ang mga babies. Meron po tlga d tabain. Nung baby ung paanganay ko ganyan din. So long as healthy si baby at dumedede ng nasa oras. Mas maganda parin na pure bf. Wag masyado alalahanin ung payat, d naman sobra payat baby mo. Kung wala naman siya sakit, okay lang yan mommy ❤️👌

pde rin o kung gusto mo ipump mo nalang breastmilk mo para sure na may naiinum talaga sya minsan kasi mali din paglatch natin kaya di sila nabbusog. ganyan kasi ginawa ko sa baby ko 1 1/2 months sya tumimbang na sya ng 5.5 kl mabigat na dw sabi sa center. Pero okay un as much na healthy sya

Ung panganay q po dati gnyan dn po payat lng pero nung natuto n cya kumain naging matakaw pero payat p dn pero nagulat aq nung nag grade 4 cya bigla cyang lumubo halos Wala ng leeg,hnd m rin KC msabi maybe payat Ang baby m ngaun pero pag mdyo lumaki n baka bigla nmang tumaba,

Ikaw Mamsh, masusustansya ba kinakain mo. Kelangan ganon para yun din ang makuha nua. More on gulay saka isda. Mas maganda bf kesa formula. Mas tipid pa..kaen ka lang ng masustansya para madede nya kesa bumili ka ng mahal na formula. Kaya nakakataba ang formula dahil masugar

Mababa po weight gain niya ano sabi ng pedia niyo? Some pedia kasi pag mababa weight gain pinapa mix nila para matubusan weight. Please sundin niyo nalang na i mix kasi need ng anak muyan di normal weight gain niya eh but if ever sabi ng pedia okay lang yan then okay..

I agree.alam naman natin na underweight sya same as my baby. Kaya ako napilitan na iformula si baby, ung Similac Neosure pa nga ang nirecommend nya kasi low birth weight talaga si baby.

Inom ka po malunggay capsule. 3x a day. Ako po ganom ginagawa ko, kase pag 1capsule lang parang di ganong malakas gatas ko. So i tried 3capsules a day. And yun nabibigay ko naman milk na demand ng baby ko. As of now, 4 months and 8days sya, 8kgs na sya.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan