15 Các câu trả lời
Sa sitwasyon mo, itong mga tip mula sa mga eksperto sa medisina ang maaring makatulong sa iyong katanungan: 1. Para malaman ang iyong EDD (Expected Due Date), kailangang magkaroon ka ng ultrasound scan. Natural lang na mag-alala kung bakit wala pang heartbeat ang iyong baby sa 5 na linggo, subalit may mga pagkakataon talaga na hindi pa ito naririnig o makita sa maagang yugto. Hindi dapat ipagwalang bahala ang pagpapatingin muli para sa ika-apat na buwan. Maaari mo ring konsultahin ang iyong doktor o midwife tungkol sa mga pag-aalala at hingin ang payo nila. 2. Tungkol naman sa tanong kung okay lang na magpaultrasound ka sa ikatlong buwan, mahalaga na sundin mo ang payo ng iyong doktor. Karaniwan, ang pinapayong panahon para sa ulat ng transvaginal ultrasound ay sa unang 3-4 na buwan ng pagbubuntis, subalit hindi ito limitado sa panahong iyon kung may mga partikular na pangangailangan. Mahalaga na magkaroon ka ng regular na komunikasyon at pagkonsulta sa iyong doktor upang mabantayan ang kalusugan mo at ng iyong baby. Hangad ko ang maayos at ligtas na pagbubuntis para sayo! https://invl.io/cll7hw5
nung 5 weeks ako wala pang heartbeat. wala pa ngang bata. pero pinag vitamins na ako at pinabalik ako after 2 weeks. pagbalik namin may hb na si baby. wag mo muna isipin yung due date. makikita yan kapag may embryo na. balik ka sa ob mo para makapagvitamins ka. sabi ng ob ko mas ok malaman ng maaga kung buntis kasi mababantayan development ni baby.
Same situation sakin last May, 5wks no HB pa. pinabalik after 2wks, nung pagbalik namin may HB na at 7wks then nalaman na din dun ang due date mo. pa-trans V ka na ulit after 2wks, para maalagaan agad at makainom ka vitamins, mahalaga ung 1st trimester para sa maayos na pagdevelop ni baby.
If irregular po ang mens mahirap bumase sa last 1st date ng mens if icocompute ang edd. more accurate yung sa tvs. same din po tayo, 5 weeks ako nung nag tvs then pinabalik ako after 2 weeks titignan daw if mag tutuloy si baby. buti na rin naman may nireseta na na vitamins at pampakapit
Based on my experienced Mi, if wala pang 1 week difference age of gestation fr. last menstruation mo compared s trans V, ang sinusunod ng OB is yung sa mismong LMP na, so your expected delivery po if March 30 LMP mo is December 23, 2024.
same po. unang trans V ko 5 weeks lang at gestational sac palang ang nakita pero pagbalik ko after 2 weeks, nakita na si baby at may heartbeat na. malalaman na din po EDD. Pray lang po, it really works 🙏
malalaman ang EDD sa ultrasound kung saan unang makikita ang baby. too early pa ang 5-6 wks. magpray at uminom lang ng vitamins. 7 weeks ako nung unang nakita na may embryo na at heartbeat
Magpa TVS ka ulit mami atleast 2 weeks after nung 5th week check up mo, para malaman kung may progress tsaka ma bigyan ka ng enough vit.or pampakapit☺️
Hindi nirecommend ng OB ko mhie na magpatransV ng 5 weeks. Pinabalik niya ko the next week para 6 weeks na si baby and narinig namin ung heartbeat.
You need to follow kung ano po ang sinasabi ng OB. Wag po kaung kabahan sa result. Mas kabahan po kau pag hindi po kau naguide ng mabuti.
Hazeyy