40wks
Due date ko na kahapon but still wala parin sign? wala paring contractions, and still close cervix huhuhu help pls!
Ako nun sa first baby ko december 15 due date ko lumabas si baby december 27 ayun nag 50-50 sya ang mahirap pa nun sabahay lang ako nanganak buti na lang medwife ng paanak sakin kaya naagapan si baby pero ang gastus din kasi 7 days sya ng maintain ng gamot umaga tanghali gabi ang turok sa kanya kaya na kakaawa din si baby.. ngayon 9 years old na sya magiging ate na.. kayo ngayon pero ko exercise kain pineapple kinakausap ko din si baby para hindi ako mahirapan manganak, mahirap kasi baka magaya sya sa ate nia, wala pa nman pera dahil walang trabaho due to covid... pray lang momsh malay mo bukas lalabas na si baby mo.. goodluck momsh
Đọc thêm..ako po 40 weeks n dn. .palage n may discharge pero di p dn lumalabas si baby. .last week (Wednesday) ngpunta ako sa pg-aanakan ko. .3 cm n daw pero pg di p dn ako nanganak bago mgwed. ,balik daw ako. .papaultrasound daw ako ulet. .pray lng tayo mga momshie. .sana maging ok pglabas ni baby..
Consult with your OB na po. Wala talaga akong signs of labor rin, 2 weeks mahigit na kong umiinom ng evening primrose, nung due date ko pinapunta ako ni Doc sa hospital. Nagdecide na siya na scheduled CS na ko, ayaw niya paabutin ng 41 weeks kasi baka makakain na ng meconium si baby.
Mumshie ako din 40weeks na pero 1cm pa lang and puro fake contractions pa lang.. pray lang tayo and wag panghinaan ng loob. Our baby is worth the wait. At least, full term na full term sya. Malakas and protection nya sa environment paglabas nya 🙂
Lakad ng bongga, mamsh. Exercise din, search ka youtube ng exercise na makakatulong sayo and try making love with your partner to help you open your cervix. Pero the best option is to consult your OB for what you should do. Good luck ❤️
Ganyan din ako. Umabot ako ng due date ko advise ng doctor magwait pa kami kasi matubig pa naman baby ko, bale nagwait pa kami for 7days pero close pa din cervix ko at wala akong nararamdaman na kahit anu kaya CS po talaga bagsak.. :)
Huhu i feel you mamsh. 😭 due ko na din. Kaya natin to. Pray lang at kausap kay baby. Sabi ni doc maglakad lakad daw ako at gumawa ng mga gawaing bahay. Pero wala padin.
If first baby okay pa mag 40 weeks ata but better go to your OB gyne ASAP para ma monitor if okay pa si baby and then sya na mag suggest sayo if induce ka na or i-ECS.
Try ni po evening primrose oil..iinsert sa pwerta para lumambot cervix..effective din po pinya..close din po cervix ko dati..pero after 3 days nag open na din
Pag po ganyan overdue na better cs na mamsh kasi ako non ganyan wala as in lahat and nauubusan na ng fluid si baby sa loob kaya better check ob na agad