27 Các câu trả lời
Hi, momshie. Isang mahigpit na yakap sayo. While there’s no way I (or anyone else) can take the pain away, always remember that there’s a rainbow always after the rain. Kagaya mo, I lost my first baby upon giving birth to her. She was just 22 weeks and we were told that I could give birth to a stillborn baby. Pero God works in mysterious ways kasi as soon as nailabas ko sya, she was breathing—her heart was beating. She lasted for more than an hour, just enough for me and her daddy to hold her for the first and last time. Ang hirap hirap nung papasok ka sa hospital na buntis pero lalabas ka nang walang hawak na baby. I was devastated. I had so many questions. I was mad. I was sad. What I did was I prayed. I asked God to give me a sign if happy ba si Mira (we named her Miracle) kung nasaan man sya. The next day, I saw a little white butterfly sa garden ng mother-in-law ko. And every time I would feel sad or think about my angel baby, nagpapakita yung white butterfly. That’s when it hit me: Mira is watching over me. It’s as if she would tell me, “Mommy, don’t be sad because I’m fine here.” Six months later, we found out I was pregnant. And just three weeks ago, I gave birth to Mira’s baby brother. What’s even amazing is that, pareho ng EDD sila Mira and Thor (we named our rainbow baby Theodore kasi it means ‘gift of God’). I don’t know what to say to make you feel better. It’s okay to feel whatever you’re feeling now. It’s okay not to be okay, sabi nga nila. Take your time to grieve. Take your time to heal. Don’t forget lang na hindi forever ang bagyo. Darating yung time na maiintindihan mo ang lahat. Darating yung time na hindi ka na malulungkot kasi merong ibibigay sayo na sobra kang pasasayahin. Tiwala at dasal, momshie. 😌
i know how it feels sis😭💔 namatyan din ako ng baby last year, patay na sya nung nsa tummy ko plng sya.. u know what i did pra ma lessen ung lungkot na nrrmdamn ko.. nag focus lng aq sa bgay n gsto kong gwn ung tipong mgppsya sayo.. mhrap makulong sa kalungkutan kaya fight lang sis! i know kaya mo yan.. may purpose si God kaya umalis ang baby mo.. babalik din sya soon, tiwala lang🙏😇 in God's perfect time.. now i am currently 27 wks pregnant again, suppose to be my 3rd baby hehe.. kaya wag ka mag alala, babalk dn sya agad, pray ka lang lagi, pakikinggan ka nya😇🙏❤️🤗 sending my virtual hugs to you🤗
salamat po☺️
i feel you po 😥nakunan din ako last year isa sa mga araw na halos ayaw ko na maulit ulit ,pero salamat sa diyos hindi kami bumitaw ng partner ko kse alam na namin ang diyos lang matatakbuhan namin pinalangin lang namin na bigyan kami ng lakas para tumayo ulit alam namin may dahilan siya bakt nangyare yun and thank god pregnant na ulit ako 🥰😇 sobrang pag iingat na ang ginagawa namin ngayun sa baby angel namin isang buwan na lang mag 1year na siya simula nung nawala samin basta mommy kapit lang tayo ipag pray kita at pamilya mo na malagpasan niyo po yan 🥰
salamat mommy😘
Ako din po. Nadiagnosed si baby ko na may hydrops fetalis at sobrang nakakadepress dahil wala kaming magawa kundi maghintay.. keep on asking anong ginawa ko. or saan kami ngkulang kaya po ngppray ako everyday, then na realized ko na lang may special mission si God for us kaya unti unti kong natatanggap ung situation ko. Nandon parin talaga ang pain since 1st baby ko po pero iniisip ko nlanh lagi na may better plan si God for us. Kaya keep on praying mommy. Andyan lagi si God for us. sending you virtual hug. 🤗
Condolences Mommy 🙏 Alam kong wala ng sasakit pa sa nararamdaman ng isang ina na nawalan ng anak. Naranasan ko rin po 'yan, 3 days lang po nabuhay ang 1st baby ko. Sobrang sakit, araw-araw gigising ka na laging may kulang sayo. Hays, 1 year old na sana siya ngayong May. Stay strong mommy, pray din po kayo palagi ni Husband 🙏🙏
walang sinabi yung nag utz sa akin kung anong rason ng pagkawala ng hb ni baby... diko narin naitanong kc para akong binagsakan ng langit nung marinig ko na wala na syang heartbeat. na blangko utak ko nun😭 kahit ngaun masakit parin sa akin lalo na pag mag isa lang ako kusa nlng tumutulo luha ko😭😭😭
nakabasa nnmn ako ng ganitong situation ko kaya naiiyak nnmn ako kc naaalala ko nnmn yung nawala kong anak.. kung nagtuloy sana yung pagbubuntis ko ay due date kona sana sa april 1😭😭😭 first baby ko din sana yun pero nakunan ako last dec. 6months na sya nun😭😭😭
ako din po twicr nakunan last year ,nakaka pang hina po tlga nang kalooban at nkakatrauma din ,pero alm ko nmn may mahalagang dhilam si lord kung bkit nya tyo binibigyan nang mga pagsubok,basta lagi ko lang pinangahahawakan yung ibinulong nya sakin nung nasa ospital ako at umatend kse ako nang misa ,.sabi nya habang nagdadasal ako,,magtiwala ka lang akong bahala tpos ramdam kong may malamig na yumakap sakin na prang kinocomfort ako,kaya sayo momsh just keep praying po kaya mo yan 😘😘
7month po Nwala po baby ko sa Tyan. Ang sakit po Pero nag pakatatag kmi ng hubby ko nag tiwala KY God na my masmagandang Plano sya Kaya ngaun I'm 8months pregy 🙏Kaya pkatatag ka momshie babalik din sya sau. Hindi man ngaun baLang araw po🙏tiwala lng Ky God🙏😊
salamat po
nakunan din ako sa first baby namin ng mister ko masakit talaga iniiyak ko na lang sya nag isip ng mga reason kung bakit di sya para saamin kung bat kinuha sya agad samin..be strong po asawa ang magiging sandalan mo sa ganyang sitwasyon kumapit kayo sa isat isa
Virtual Hug Mommy.. masakit pero hindi naman totally nawala si baby sayo. isipin mo na lang may little angel ka sa tabi mo.. mahirap mag move on pero darating din yung tamang oras mag he heal ka rin. my deepest condolences🙏🙏🙏
Camille Opiz