25 Các câu trả lời

advice po tlaga ng doctor wag bigkisan ang baby kasi pwede po mabasa ng ihi ni baby at baka maimpeksyon pusod ni baby, hindi ko po binigkisin bunso ko nung baby pero nahalata ko na lumuluwa yung pusod nia as in lumalabas tlaga tas iyakin siya, may matanda nagsabi sakin na pag ganon daw mabilis pasukin ng hangin tiyan ni baby kaya dapat daw bigkisan with coin sa may tapat ng pusod.. ginawa ko po yun, mag 3 months na po si baby nun pero awa ng Diyos sinunod ko po advice nila, ngayon po maganda and maayos po pusod ni baby ko.

Sa ospital/lying in hndi talaga sila nag lalagay. Pero nakaugalian na yan ng pilipino nuon meron padin hanggamg ngaun wala nan masama naging epekto. For me sa panganay ako ok ang pusod nya nun binibigkisan ko. Hndi din umusli. Sa pamangkin ko naman pamahiin sa knila sa probinsya na haggang 1yr old bigkisan ang babae para hndi pusonin. Or may shape ang katawan. Proven tested kc s knila yun Anyway. Nasa parents padin yan kung lalagyan nyo o hndi. Base on my exp. Lang :)

Hindi na inaadvise ang bigkis ng mga doctors kasi para makahinga mabuti ang pusod ng bata and mas mabilis gumaling pag walang cover. Nung time namin, nilagyan kami ng bigkis ng mom ko pero ngayon hindi ko ginawa sa mga anak ko.

sabi kasi ng matatanda para daw di lumaki tiyan kaya binibigkisan.

Yes po,pra daw po sa shape ng body ni baby.sk pra d umusli yung pusod.everyday po dapat ang palit linisin muna pusod ng antibacterial ointment bago ilagay pra d pamahayan ng mikrobyo pusod nya.

Mas matagal matuyo kapag naka bigkis kase hindi na hahanginan or hindi kumbaga nakaka hinga yung sugat. Unlike yung hindi naka bigkis 2 weeks pa lang tuyo na at nahulog na yung tuyong cord.

Sa probinsya lang po yan uso. Ang mga pedia po ay nagpapanting ang mga tenga kapag nakakarinig ng binibigkisan ang mga bata at mapapagalitan ka nila talaga ng bonggang bongga.

VIP Member

Pampaimpis daw po sa pusod at di lumaki masyado tyan ni baby. For me, old saying nlng po un kaso ung mil ko mapilit, she insist n gumamit kmi paglabas ni baby.

No, sabi kasi ng doctor mas madali magdry yung pusod kapag walang bigkis. Pero sa province namin, madami pa din gumagamit ng bigkis kasi nakasanayan na.

VIP Member

d na daw uso ngyon gmmit ng bigkis , kasi sabi ng nurse sa hospital kapapnganak.lng ng hipag ko. lalo lang daw kasi tatagal ang pag galing

Sometimes. Nagdry nmn agad ung pusod ng baby ko and kusa syang natanggal. And ang ganda ng pusod ng baby ko, hindi sya luwa. 😊😊😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan