Mga mii 🥺🥺🥺

Di pa ba ko late kung gusto ko mag bf kay lo? 6days na po siya bukas puro formula lang. May napapainom akong breastmilk kay lo kaso sobrang unti lang. Huhu

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mahaba eto mommy😄 Mommy hindi po dadami talaga gatas mo kung ang inooffer mo ay Formula milk... Unli latch is the key... at imbes na formula bigay mo . kung gusto mo talaga mag exclusive breastfeed need mo talaga ng effort . yes kelangan po ng effort talaga. halimbawa tulog si baby mag pump ka dapat may schedule ang pumping or kahit hand express like every 2 to 3 hrs at massage breasts para lalo dumami .dapat ma empty ang breasts para magkaron ng signal ang katawan mo na magproduce pa lalo ng gatas. lagi mo isipin na may gatas ka . paano mo din po nssabi sobrang onti ang breastmilk mo? hindi kasi yan makikita sa kung gaano kadami halimbawa na pump mo Pag dun ang basehan mas lalo ka hindi magkakagatas... iba pa rin kasi ang Pag sipsip ng baby .. ang pumping lang para magkaron ng signal ang katawan mo to produce more milk hindi para tingnan kung gaano kadami ang gatas mo . .. keep yourself hydrated, kumain ka ng mga masabaw like tinolang manok with malunggay. nakakatulong din kasi talaga ang mga galactogouges yung sa akin umiinom ako m2 malunggay at Mother Nurture Coffee kasi coffeelover ako at gusto ko yung iniintake ko ay safe din Kay baby... kaya mo yan mommy think positive lang palagi.. skl na NICU baby ko after ko ipanganak at since day1 alam ko sa sarili ko mag EBF kami.. CS ako Pero nilakad ko agad sarili ko para everyday magpunta ako ng NICU kahit manas ang mga paa ko nagpapa susu ako tapos Pag uuwi na ko nag iiwan ako ng breastmilk na naipump ko habang nag aantay magising si baby sa NICU ganon for 1week. hindi madami milk ko sa una sa totoo lang pinabili ako ng Enfamil Pero for emergency lang na maubos ang bmilk ko habang nasa bahay ako at Gabi na magutom ang baby. at hindi Yun nagamit since pagkauwi nag Unli latch si baby ko . at ngayon 14mos na ang anak ko nagpapa susu pa rin ako habang matakaw na siya sa Solids.. Godbless mommy kaya mo yan.. hindi ako against sa Mixfeeding or Formula feeding nasa desisyon po talaga yan ng Nanay ang mahalaga mabigay natin ang Best sa mga babies natin...

Đọc thêm
2y trước

hawakan mo po yung breast mo kapag ipaalatch mo sa kanya.support mo para di matangal sa bibig nya. uumbok din yan pagpalagi mo pinapalatch sa kanya.

try mo pa rin. unlilatch ang gagawin mo para lumakas ang milk supply. importante ang nakukuha ni baby from breastmilk. then pwede ka rin magmixed feeding. baby ko is 20months na, mixed feeding pa rin sia. ayaw ko pang ihinto dahil importante ang nakukuha nia sa breastmilk.

Đọc thêm
2y trước

hindi po ba na nipple confuse c baby nyo kapag mixed feeding? i mean sa bottle,kayo din po nagfefeed?

try to use nipple shield kung maiksi or maliit masyado nipples mo. di kasi daddmi milk mo kung di mo ipapalatch ng ipapalatch kay baby. and better din ang milk production kung nay skin to slin bonding kayo ni baby.

Mi unli latch lang po kung maari wag muna mag formula para rumami gatas mo, maliit palang naman ang tyan ni baby di pa niya need ng maraming gatas kasi po si baby lang ang makakapag palabas ng gatas mo :)

mi. di dadami ang milk mo kung di ka nagpapalatch. meron akong friend na inverted nipple pero breastfeed sila. tyagaan lang talaga

Thành viên VIP

Miiii sobrang di pa late. Push mo na unli laaatch or pump.