23 Các câu trả lời
Tell them soon. Lalo na sa mama mo. Kasi ako nagsisisi ako na hindi ko sinabi agad. Hindi nako nakatira sa kanila at I'm almost 25 years old na. May sariling work na rin ako at namuhay na malayo sa kanila. 8 months na tiyan ko nung sinabi ko sa parents ko na buntis ako ayun iyak ng iyak ang nanay ko. Feeling daw niya pinagkaitan ko siya. I know we're not in the same position kasi baka meron pa ibang reason kaya natatakot ka sabihin sa kanila. Pero need mo sabihin lalo na sa mama mo. Siya makakatulong sayo lalo pag manganganak kana. Trust me. They will still love you kasi anak ka nila. :) sa una lang mahirap pero kapag nasabi mo na gagaan na pakiramdam mo. ❤
sabihin mo sa parents mo hanggat maaga pa para maadvisan ka dn nila ano dpat mo gawin at para magabayan ka dn nila. di dn pwedeng bigla ka nlng iniwan ng jowa mo pagkatapos ka nya buntisin ganon nlng yon?! may kakilala ako nilihim nya pag bubuntis nya hanggang sa manganak sya iniipit nya baby nya ayun pag kapanganak nya laki ng bingot ng baby nya kawawa nman. yung mga bata nag sasuffer sa mga ginagawang mali o padalos dalos na desisyon ng mga magulang nila. Pray ka lng and harapin mo mga consequences na magiging reaction ng parents mo dahil ginusto mo yan eh' nanjan na yan at blessing ni God.
Hello momy ako nga po nabuntis hindi alm nang parents ko ung nakabuntis sa akin may anak na masyadong complikado kaya dinamin sinabi sa parents ko 7 months na nila nlmn na buntis ako.nong pa surpresa silang pumunta dito.umiyak lng sila pero mas na ngibabaw ang pagmamahal nila kaya natanggap din nila.lalo n kapag andyan nayang baby🤣hindi k nmn ilalagay n god kong dimo kayang pag tagumpayan yan.ang dami kong pagsubok pinagdaan .habang daladala ko c baby pero inisip kona lng na kayo ko at para sa bby.❤️❤️
first things first mamsh..KAUSAPIN MO MUNA YUNG EX MO.. ABOUT SA KALAGAYAN MO.. kung anu man maging desisyon nia.. panagutan man nia o hindi.. atleast alam nia.. then second.. sabihin mo na sa magulang mo.. ganyan ako nung una.. isipin mo only girl ako ..puro lalaki ang mga kapatid ko.. at first talaga .. natatakot ako magsabi sa knila.. pero i realized.. na wala akong ibang matatakbuhan kundi sila din na pamilya ko.. think positive mamsh..
Courage. Ako, 3 months na akong buntis nung sinabi ko sa magulang ko nagalit sila lalo na father ko hanggang ngayon 5 months na akong buntis galit pa rin sila. Mas mabuting sabihin mo na habang maaga pa kasi ikaw rin mahihirap pati yung baby mo madadamay. Araw-araw mong iisipin yung sitwasyon mo pati sa parents lalo kang masstress katulad ko. Eventually matatanggap din naman nila eh. Ganun din sakin. Tibayan mo lang loob mo sis.
Kausapin mo muna tatay ng anak mo. Kung ayaw ka niya balikan kahit support man lang sa bata. Pag ayaw pa din sabihin mo sa magulang niya. Tsaka mo kausapin mga magulang mo. Para tuloy tuloy yong pagsasabi mo. Kasi di lang nila tatanungin yang about sa baby mo e, mauungkat din diyan yang ex mong nakabuntis sayo. Kung ano plano niyo. Ganon ang magulang. Busisi talaga lahat lalo na malaki responsibilidad na yan.
sabihin mo na asap sa parents mo.kailangan ni baby ng alaga from the start na nabuo sya. Kailangan mo maging stress free at need mo support in all aspects para maging healthy si baby.Wag mo na isipin mg ibamg tao at wag mo na problemahin yung ex mo.Ang mahalaga ngayon kapakanan ng anak mo.Deserve nya ang lahat ng attention at pagmamahal galing sayo.
Alam mo malalaman pa din ng parents mo yan kasi di mo mappigilan pag laki ng tummy mo. Ganyan nang yari sakin. But luckily, after my mom knew about my pregnancy na high blood sya pero natanggap nya and my whole family aware na din na may magging new member na kami. Never ka tatalikuran ng family mo lalo na ng parents mo.
kelangan m ng peace of mind lalo n buntis ka..bawal k mastress.. sabihin m sa bf mo, tas sa magulang nya.. tas sa parents mo.. pag ayaw panagutan pede ka mag pabarangay. .ganyan ung sa friend ko e.. humingi k sustento kung ayaw panagutan. pede ka mag demanda.
Sabihin mo sa magulang mo. Sila lang ang nakakatulong sayo. Tanggapin mo ang lahat ng sermon nila sayo at nagkamali ka naman talaga. Unahin mong isipin ang lagay ng baby mo sa tiyan kesa sa sermon nila sayo. Nakapagpa-check up kanaba?
vanissa pelongco