Di ko na pahabain pa, eto na.
So yung mom ko nagsabi na pabuhusan daw namin si baby (semi binyag yata) pumayag si hubby pero nung time na papabuhusan na di natuloy for some reason na mainit di madala yung bata, and di rin naman sila naniniwala sa ganon, kung binyag, binyag lang and sa pari, wala ng pabuhos buhos.
Ang problema yung mom ko sinasabi na bat daw ako paunder sa asawa ko porket ayaw nya di ko manlang daw pilitin, actually wala naman ako panigan eh kung pabubuhusan sige, kung ayaw sige rin. Pero kilala kasi nila ko na masunurin kila mama kaya inisip ganon na bat di ko pinilit.
Sino po ba mali. Ang hirap maipit. Nakakasama pa ng loob na under daw ako
Anonymous