Di ko akalain, may ganito pala talagang tao.
Hiwalay kami parehas sa asawa. Same situation, nagloko yung wife nya at ganun din husband ko.
Naiwan sakin yung dalawang anak ko parehas babae. 7&1y/o
At first, okay naman sya sa mga anak ko. Mabait din sya kahit sa ibang tao. Marami na syang natulungan mga kakilala. Kahit sino lumapit, pampa ospital, requirements, pang piyansa sa kulungan, pambili ng gamot, birthday ng barkada sagot nya. Actually sobrang hulog sya ng langit para samin ng mga bata. Dahil sobrang walang wala ako nun, asukal nalang dinedede ng 1yo ko, at nghihingi lang kami ng pagkain sa step mother ko minsan sa kapit bahay. Nung dumating sya sa buhay namin, nagaapply ako ng trabaho, sinabi nya na wag na daw akong magtrabaho kaya nya naman daw buhayin mga anak ko. Then inoffer nya lahat, lumalabas kami, pinapakain nya kami sa labas, pag uwi namin may groceries na kami ng mga bata, may totoong gatas na yung mga anak ko, may ulam at bigas na. At pambayad sa bills. Pinaramdam nya din sakin yung totoong pagmamahal na hindi naibigay ng tatay ng mga anak ko. *batugan at drug addict*
After 5 months, nabuntis ako. Medyo maselan kaya minsan di nya ako pinapauwi sa bahay ko. Nanay ko nagbabantay sa mga bata.
Nung nanganak na ako, pinapili nya ako : yung mga anak ko o silang dalawa ng anak namin. Nagulat ako kasi akala ko ok kami. Dun na nag start, ayaw nya daw makilala ng anak namin yung mga anak ko. minsan nya nalang ako dalhin sa bahay ko, minsan ko nalang din makita mga anak ko. Tinitipid nya na rin kami. Pag pupunta kami sa mga anak ko, marami pa kong maririnig na hindi maganda. 3 months yung baby namin, di na ulit kami umiwi samin. Di ko na nakita mga anak ko. Nagmakaawa ako sa kanya kahit yung bunsong babae nalang sabi ko. Kahit isipin nya nalang na abuloy yung mga pangangailangan nila. Lagi ako umiiyak kasi namimiss ko sila. Pano pag may sakit sila? Hindi ko manlang sila maasikaso, maipaglaba.
After 1 yr
Nagkaanak pa ulit kami ng isa pa. Ayaw nya ako gumamit ng contraceptives, baka daw manlalaki lang ako tulad ng asawa nya.
After 2yrs,
may mga barangay sa labas ng bahay na tinitirahan namin. Hinahanap ako. Kasama nanay ko at yung anak ko. Sobrang saya ko. Tagal kong hinihintay na sila mismo pumunta dito.
Ang dami na ngyari sa mga anak ko. Nghihinayang ako na hindi ko sila nakasama.
Napunta sila sa dswd, na stop sa pagaaral yung mga bata. After nun, napagusapan yung sustento sa mga bata, wala syang magawa kasi may mga barangay. Ang bait nya pa nga. Pero alam kong mina-manipula nya lang yung sitwasyon.
3months kaming nagsustento, medyo malaki gastos at lagi may sakit mga bata dun sa nanay ko kaya sabi nya dito nalang yung dalawa. Kinuha namin yung mga anak ko, maraming tumatakbo sa isip ko, at alam kong sa una lang sya ganito. Pero push parin atleast kasama ko na mga anak ko.
Nung nandito na sila, okay naman pakikitungo nya, nakikipag biruan pa sya sa mga anak ko. Na parang bumabawi. Then saktong birthday ko, may sinabi sakin yung anak ko, hinahalikan at niyayakap sya ng step father nya. Pero bago yun, may naikwento rin sya sakin na may humahawak sa pwet nya habang natutulog kami. Pag gising nya, wala naman daw ibang gising bukod sa kanya. Iyak na kami ng iyak. Di ko alam gagawin ko. Di ko akalain ganun syang klaseng tao. 3days akong hindi makakain, 3days akong umiinom ng alak, 20 weeks pregnant nga pala ako nung ngyari yan. Nagmakaawa ako sa asawa ko na wag nya ng ituloy kung anong balak nya. Di nya daw alam sinasabi ko. Matagal kami nag usap. Paulit ulit ako sa pagmamakaawa kahit para nalang sa mga anak namin. Hintayin nya lang muna na manganak ako. Aalisin ko mga anak ko dito. Nagiging ok kami after namin mag talo. Back to normal. Ganun palagi. Tingin ko naiintindihan nya naman ako. After nun, di nya na pinansin anak ko. Di na rin nya nilapitan. Which is good.
Ngayon, nilalagnat anak kong panganay, worried ako baka may dengue, kaya lumapit ako sa kanya kaninang umaga para magpaalam ipapacheckup ko kahit sa center lang. Ang dami nya ng sinabi. Ang dami nya ng sumbat. Sabi ko di naman namin siguro kasalanan na magkasakit. Nagpapaalam lang ako. Tapos nagsalita sya na kung ano man mangyari, wala na kami magagawa. Mamatay man daw anak ko, ganun talaga. Parang sinasabi nya wag na ipagamot anak ko dahil gagastos na naman sya. Nagalit ako kanina. Sabi ko, pag namatay yan, gagastos din kami, sabi nya atleast hanggang dun nalang daw yung gastos nya. Naiyak ako. Sabi ko pano kung sa mga anak mo yan mangyari? Pano kung mga anak nya yung nasa sitwasyon na ganun. Sasabihan nalang na hayaan mamatay?
Wala napo kami ibang mapupuntahan ng mga anak ko, kaya hanggang ngayon nagtitiis kami dito. Kahit sa mga kaibigan ko inilayo nya ako. Masyado syang magaling mag manipula ng tao.
Linawin ko din po, hindi po ako gold digger. Kaya ko rin kumita ng pera sa sarili ko. Nagkataon lang na kakahiwalay ko lang nung nagkakilala kami. Actually nung nagttrabaho ako, ako po bumubuhay sa kapatid ko at mga anak nya. Nagkataon lang din na walang wala ako at sya yung meron.
Sorry ang haba.
Anonymous