Wicked Step Father

Di ko akalain, may ganito pala talagang tao. Hiwalay kami parehas sa asawa. Same situation, nagloko yung wife nya at ganun din husband ko. Naiwan sakin yung dalawang anak ko parehas babae. 7&1y/o At first, okay naman sya sa mga anak ko. Mabait din sya kahit sa ibang tao. Marami na syang natulungan mga kakilala. Kahit sino lumapit, pampa ospital, requirements, pang piyansa sa kulungan, pambili ng gamot, birthday ng barkada sagot nya. Actually sobrang hulog sya ng langit para samin ng mga bata. Dahil sobrang walang wala ako nun, asukal nalang dinedede ng 1yo ko, at nghihingi lang kami ng pagkain sa step mother ko minsan sa kapit bahay. Nung dumating sya sa buhay namin, nagaapply ako ng trabaho, sinabi nya na wag na daw akong magtrabaho kaya nya naman daw buhayin mga anak ko. Then inoffer nya lahat, lumalabas kami, pinapakain nya kami sa labas, pag uwi namin may groceries na kami ng mga bata, may totoong gatas na yung mga anak ko, may ulam at bigas na. At pambayad sa bills. Pinaramdam nya din sakin yung totoong pagmamahal na hindi naibigay ng tatay ng mga anak ko. *batugan at drug addict* After 5 months, nabuntis ako. Medyo maselan kaya minsan di nya ako pinapauwi sa bahay ko. Nanay ko nagbabantay sa mga bata. Nung nanganak na ako, pinapili nya ako : yung mga anak ko o silang dalawa ng anak namin. Nagulat ako kasi akala ko ok kami. Dun na nag start, ayaw nya daw makilala ng anak namin yung mga anak ko. minsan nya nalang ako dalhin sa bahay ko, minsan ko nalang din makita mga anak ko. Tinitipid nya na rin kami. Pag pupunta kami sa mga anak ko, marami pa kong maririnig na hindi maganda. 3 months yung baby namin, di na ulit kami umiwi samin. Di ko na nakita mga anak ko. Nagmakaawa ako sa kanya kahit yung bunsong babae nalang sabi ko. Kahit isipin nya nalang na abuloy yung mga pangangailangan nila. Lagi ako umiiyak kasi namimiss ko sila. Pano pag may sakit sila? Hindi ko manlang sila maasikaso, maipaglaba. After 1 yr Nagkaanak pa ulit kami ng isa pa. Ayaw nya ako gumamit ng contraceptives, baka daw manlalaki lang ako tulad ng asawa nya. After 2yrs, may mga barangay sa labas ng bahay na tinitirahan namin. Hinahanap ako. Kasama nanay ko at yung anak ko. Sobrang saya ko. Tagal kong hinihintay na sila mismo pumunta dito. Ang dami na ngyari sa mga anak ko. Nghihinayang ako na hindi ko sila nakasama. Napunta sila sa dswd, na stop sa pagaaral yung mga bata. After nun, napagusapan yung sustento sa mga bata, wala syang magawa kasi may mga barangay. Ang bait nya pa nga. Pero alam kong mina-manipula nya lang yung sitwasyon. 3months kaming nagsustento, medyo malaki gastos at lagi may sakit mga bata dun sa nanay ko kaya sabi nya dito nalang yung dalawa. Kinuha namin yung mga anak ko, maraming tumatakbo sa isip ko, at alam kong sa una lang sya ganito. Pero push parin atleast kasama ko na mga anak ko. Nung nandito na sila, okay naman pakikitungo nya, nakikipag biruan pa sya sa mga anak ko. Na parang bumabawi. Then saktong birthday ko, may sinabi sakin yung anak ko, hinahalikan at niyayakap sya ng step father nya. Pero bago yun, may naikwento rin sya sakin na may humahawak sa pwet nya habang natutulog kami. Pag gising nya, wala naman daw ibang gising bukod sa kanya. Iyak na kami ng iyak. Di ko alam gagawin ko. Di ko akalain ganun syang klaseng tao. 3days akong hindi makakain, 3days akong umiinom ng alak, 20 weeks pregnant nga pala ako nung ngyari yan. Nagmakaawa ako sa asawa ko na wag nya ng ituloy kung anong balak nya. Di nya daw alam sinasabi ko. Matagal kami nag usap. Paulit ulit ako sa pagmamakaawa kahit para nalang sa mga anak namin. Hintayin nya lang muna na manganak ako. Aalisin ko mga anak ko dito. Nagiging ok kami after namin mag talo. Back to normal. Ganun palagi. Tingin ko naiintindihan nya naman ako. After nun, di nya na pinansin anak ko. Di na rin nya nilapitan. Which is good. Ngayon, nilalagnat anak kong panganay, worried ako baka may dengue, kaya lumapit ako sa kanya kaninang umaga para magpaalam ipapacheckup ko kahit sa center lang. Ang dami nya ng sinabi. Ang dami nya ng sumbat. Sabi ko di naman namin siguro kasalanan na magkasakit. Nagpapaalam lang ako. Tapos nagsalita sya na kung ano man mangyari, wala na kami magagawa. Mamatay man daw anak ko, ganun talaga. Parang sinasabi nya wag na ipagamot anak ko dahil gagastos na naman sya. Nagalit ako kanina. Sabi ko, pag namatay yan, gagastos din kami, sabi nya atleast hanggang dun nalang daw yung gastos nya. Naiyak ako. Sabi ko pano kung sa mga anak mo yan mangyari? Pano kung mga anak nya yung nasa sitwasyon na ganun. Sasabihan nalang na hayaan mamatay? Wala napo kami ibang mapupuntahan ng mga anak ko, kaya hanggang ngayon nagtitiis kami dito. Kahit sa mga kaibigan ko inilayo nya ako. Masyado syang magaling mag manipula ng tao. Linawin ko din po, hindi po ako gold digger. Kaya ko rin kumita ng pera sa sarili ko. Nagkataon lang na kakahiwalay ko lang nung nagkakilala kami. Actually nung nagttrabaho ako, ako po bumubuhay sa kapatid ko at mga anak nya. Nagkataon lang din na walang wala ako at sya yung meron. Sorry ang haba.

58 Các câu trả lời

Lumapit kayo sa DSWD. Wag mo ipagwalang bajala ang sumbong ng anak mo. Porket sinabi ng asawa mo na wala syang ginagawa. I've been there many times. Sobrang nakakatrauma. Lumaki ako sa ampunan dahil at the age of 3 hinihipuan ako ng lolo at tito kong adik. After high school umalis na ko sa ampunan. May tumulong saken dinala ako sa batangas para alagaan mga pamangkin nya na maliliit. Yung tinirhan ko doon tinangka din akong hipuan. That time wala akong maiyakan sinabihan pako ng maarte daw kase ako. Ako pa ang lumabas na masama. Hindi ako makaalis dun dhil wala naman akong pamilyang malalapitan. Ngayon may baby girl nako and i promised myself na hindi ko hahayaan na maranasan nya lahat ng dinanas ko. Kung maghiwalay man kami ng father ng baby ko hindi ako mag aasawa ulit. Mas gugustuhin ko pa na kami lang dalawa sa hirap at ginhawa kesa babuyin sya ng kung sino lang. Isasakripisyo ko kahit kaligayahan ko para sa kapakanan ng baby ko. Sana ganun din gawin mo. Nag aalala ako apra sa anak mo. Dadalhin nya yan hanggang paglaki nya maniwala ka saken. Baka yan pa maging dahilan para maligaw sya ng landas.

Hello! Alm mna nanganganib anak mo sknya tps nanghhngi kpdn ng advise? Alam mo hiwalayn mna yn. Ndi mba alm wla yan pakielam sa mga anak mo? Kht lumuha ka ng dugo wla yn pkielam sa mga anak mo (based sa kwento mo) so bat kpa magtyatyaga? E ano kng buntis ka uwi kna sa parents mo. Nkkatakot pg ngng dalaga yng anak mo at nagsasama pdn kau bka i rape nya na anak mo. Ndi mba alm un mggng outcme sa nging sitwasyon ng anak m nun hnahawak hawakn sya ng partner mo. Mgkkrn yn ng nervous. Un mga gnyn na lalaki ndi na yn magbabago lalo na ndi nya anak wag kna umasa kya iwanan mna yan ASAP! This time ang isipin m mga anak mo at ndi sya. Kya mo nmn magwork dba pra sa mga anak mo. Ska kaya mo yan buhayin tiis tiis lng mna kesa masira knabuksn ng anak mo sa partner mo. Hbang buhay nya ddlhn un sis at kw habng buhay kdn makokonsensya kya hanggat maaga pa iwan mna sya. Magpasustento knlng sa mga anak mo..

Wow kala ko sa MMK ko lang makikita to.. nkakalungkot.. 😭 Anyways.. mamsh.. tanggapin mo na sa sarili mo na may sira sa ulo yang partner mo. Literal na may diprensya talaga cya.. ilayo mo na mga anak mo sa kanya asap! At ilayo mo na din sarili mo sa kanya. Baka may mas malala pa na mangyari sa inyo pag hindi kayo umalis agad dyan. Walang magandang mangyayari sa buhay mo mamsh kasama siya.. sad to say. Dapat nung una pa lang na nag sumbong anak mo sayo na hinihipuan cya sa pwet dapat umalma ka na non. Aba! Kung saken nangyari yan.. baka napukpok ko sya ng kaldero sa ulo ora mismo. 😭 Magsikap ka na lang ulit sa buhay mo mamsh. Walang nag iisip dito na gold digger ka. Sadyang nahulog ka lang sa kanya at akala mo tunay na mabait syang tao. Sana makinig ka sa mga payo sayo ng mga tao dito.

Ang hirap naman po ng situation mo, mommy. Hindi ka po ba pwedeng sa nanay mo muna pumunta kasama ng mga anak mo? Kasi parang di na makatao yung trato ng kinakasama mo sa mga anak mo, baka kung ano pa po maisipan na gawin niyan. Nakakatakot in a way, I'm fearing for you and your children's safety. Diretso din po kasyo sa mswd or dswd and sabihin niyo po yung situation niyo. Malaking evidence po yung statement ng panganay mo para magkaron kayo ng restraining order from your partner. Sana makaalis na po kayo jan and I'm sure na kaya niyo naman buhayin yung mga anak mo without your abusive partner. Parang mejo psychotic na po kasi yung dating niya. Praying for you and your children 🙏🙏🙏

Sis, ikaw na nagsabi, kaya mo naman kumita ng sarili mo. Ibig sabihin kaya mo na wala siya. Umuwi nalang kayo sa nanay mo. Magreport ka sa DSWD. Wag mo nang hintayin na may magawa pa siyang hindi maganda sa mga anak mo. Mamili ka sis, mananatili kayo jan or kaligtasan ng anak mo. Actually sis, pwede ka nang kumuha ng restraining order para sa kinakasama mo, base palang sa mga statement ng isang anak mo na hinahalikan siya at hinahawakan pwet niya. Hindi narin maganda saiyo yan kasi nasstress ka na, emotionally at mentally. Kailangan mo pakatatag para sa anak mo sis. Mahirap magupisa ulit, lalo na at may mga anak ka, pero nanjan naman siguro nanay mo para suportahan ka.

Ako po biktima din po ako ng ganyan minamanyak po ako ng stepfather ko 😢 noon kaya lumayas nalang po ako samin ang daming ginawa sakin ng stepfather ko alam ng mama ko yun nag bubulag bulagan lang sa harapan niya binababoy ako kaya ganon nanay ko wala na kasing bumubuhay samin hirap narin kami non kaya lumayas ako sumama ako sa best friend ng kuya ko at dun ko nakilala ung bf ko ngayon kaya lang pati yung bestfriend ng kuya ko manyak din nanghihipo pag tulog ako kaya lumayas ako sumama ako sa bf ko at yun mag kakaanak na kami tanggap ako ng family niya pero siya dipa ganun katanggap ng mga kuya ko. Yun lng po

VIP Member

Payo ko syo momsh, iwanan mo yn, alm ni kng bkt? Kng kaya mo nmn kumita ng srli ng dka aasa sa siraulo mong jowa then di yn kawalan. Hhntyin mpa ba na my mangyari sa mga anak mo ng hnd mo nllmn ? My option ka nmn ilalayo mo cla habang maaga pa o hhntyin mong mron pang mngyaring hnd mgna? You choose. Mga anak mo o yang siraulong lalaki na ksma mo.? Anak prn mas mtimbang sa lhat. Yang lalaki npplitan mga anak mo teh never na mpplitan.. wag ka magtyaga jn kht my pera pa yn, salaksak mo sa knya pera nya. Kng ako yn bka pinakuling ko pa yn lalo na pag anak ko na usapan.. ingat lage momsh. Keri mo yn.👊👌

VIP Member

Nakakatakot naman!!! Parang my sira sa ulo lip nyo, paiba iba ng personality. Habang dalawa pa lng anak nyo hiwalayan nyo na po yan. Dun nlng po kyo ulit sa nanay nyo. Hingi nlng kayo sustento para sa dalawa nyang anak. Worse comes to worse baka mas malala pa gawin nta sa dalawa mong anak na babae pag nagtagal pa kyo saknya wag nman sana. Siguro sa.umpisa mahirap pag umalis.na kayo sa puder niya pero ganon tlga kesa mga anak.mo at ikaw magdusa at maging miserable. Pagisipan mo mabuti momsh!!! Godbless po!!!

Naku sis ikaw na mismo nagsabi na magaling mag manipula yang partner mo. Isipin mo nalang ano mas mahalaga sayo welfare ng mga babae mong anak o makasama pa din ang ganyan klase ng tao. Pinagnasaan na anak mo at di mo mapipigilan magdadalaga na yang panganay mo ilayo mo nalang sa kapahamakan. Ako natatakot sa magiging buhay ng mga babae mong anak na kasama yang partner mo. Much better dun nalang sila sa nanay mo at makipagsundo ka sa partner mo na ma provide needs nila o mag work ka para sa kanila.

Sa totoo lang mumsh base sa kwento mo isa ka sa nag papauto sa kanya, hanep biruin mo nagsumbong na anak mo na minamanyak na sya ng step father nya dedma kapa din? Nakikisama kapa din sa kanya? Pano mo nasisikmura yon? Jusko sa totoo lang tingin ko sayo mahina ka sabi mo kaya mo kumita? Well bat andyan kapa din? Nakadalawa ka na ngang anak dyan sa manyakis mong partner. Di ako naaawa sayo, naaawa ako sa mga anak mo kaloka ka. PAG GUSTO MADAMING PARAAN, PAG AYAW MADAMING DAHILAN 😒

Câu hỏi phổ biến