Self care mommy. You don’t have to do all the chores lalo’t may iba ka pa namang kasama sa bahay. Be open sa nanay mo na nahihirapan at napapagod ka din. Maiintindihan ka nya since nanay din sya. Nung umalis si hubby dun din kame ni baby tumira kila mama. Totoo nakakastress at iba yung feeling kahit kapamilya nakakahiya din minsan wala kang magawa sa bahay. Pero i make sure i prioritize my baby and myself also. Pansin ko din mainit ulo ko pagkulang ako sa tulog at pahinga at kawawa din si baby pagnasasabay na nagliligalig sya nag iiyakan na lang kame. To avoid that, sinasabayan ko tulog nya. Time management din kase di ko maiwan paggising, tsaka ko maliligo pagtulog sya at mabilisang ligo lang. nagbabawi na lang ako ng ligo pagweekends pagwalang work sila mama.
Anonymous