102 Các câu trả lời

TapFluencer

naramdaman ko sa First 2 months ni lo. Need din natin ng pahinga pero if no choice like me, just lay down flat, walang unan. Extra points kapag ngingiti bigla si baby. Start ako ng 2mos ni lo na d ko na sinasanay ng karga, more on eye contact, hugs, story, basta mas marelax sya sa voice mo than Karga. 3 mos si lo, tuloy tuloy na sya magsleep sa gabi, no cries. No Karga. .. Tapos sa Milk Time nya, d ako sure sa term pero dream feeding ba tawag dun? now, 4mos na si Lo, honestly RELAX na Relax na ako. Kapag iiyak sya, magsasalita ako, titingnan sya, kakausapin. Wag kalimutan ang playtime ni Baby, para laging happy ♥️

Yes poh ganyan tlga!! Di maiwasan sumakit ang likod or katawan!! Pero pinaka the best remedy is ung isang ngiti lang ng anak natin tanggal lahat ng pagod dba mga mommy's 😍😊

may scoliosis ako kaya meron ako pang support sa bewang na sinusuot pag kinakarga ko siya.. if kailangan ibaba, nilalagay ko siya sa rocking chair nung di pa nakakaupo. Nung nakakaupo na, eithwr sa high chair, sa walker, sa crib niya or sa sofa. Sinasakay ko din sa stroller kahit nasa loob lang kami ng house tapos andar andar, atras abante okay na siya dun. Hirap ng bata na sanay sa karga kaya di ko siya masyado sinanay. Naghanda talaga ko ng marami pagbababaan kasi may tama na likod ko eh.

Super sakit, parang yung muscles ko sa likod nabibinat na parang garter na ayaw na mubalik hahahaha iwas lang sa pag ligo agad na galing sa mahabang pagkarga kay baby. Make sure po nakapahinga ng matagal bago maligo and after maligo wag agad hayaang malamigan ang katawan like tatambay sa aircon room. If ever talaga naka aircon, mag jacket ka mamsh... nakakatrigger ng sobrang sakit ng muscles sa likod yung nababasa or nalalamigan ang likod natin na overworked 😅

Yeah experience that too lalo na pag mahabang kargahan . Yung anak ko kasi ayaw magpababa lalo na pag lumalabas kami . Pagkatapos ng araw i feel na nabogbog ako lalo na sa likod na part . Ang ginagawa ko nag rerelax ako habang nakahiga . Minsan pag diko na nakayanan nag papamasahe ako para mawala ang sakit . Think pag lumala na talaga sya dapat na pumunta na ng doctor para ma check at maagapan agad ito .

mamsh try mo yung hip carrier para less yung weight ni baby sa likod mo

Ako, palaging sumasakit yung likod ko sa pagkarga kay baby. Gusto nya kasi madalas nakakarga. Ang remedy ko lang is, nagprapractice ako ng mga exercises na nagsosoothe ng backpains. Minsan, kapag napapadaan ako sa spa, nagpapa-back massage ako kahit 30 minutes. Eto mommy, etong mga yoga poses na to ginagawa ko para masoothe yung backpain ko. :) https://ph.theasianparent.com/5-yoga-poses-to-soothe-back-pain/

Nagtataka ako sa mga nag sasuggests na huwag sanayin si baby sa karga. Ano po ba ginagawa nyo hahayaan lang si baby na umiyak hanggang tumahimik? Curious lang.

d q cla iniintindi😅 ang reason ko d naman cla nahihirapan ni hindi nga cla nagkakarga tsaka minsan lang cla maging baby d m mamalayan ayaw na nila magpakarga.

TapFluencer

Mahirap po lalo na CS pa naman tas ayaw pababa ni baby. Too clingy kasi at lagi nagpapalambing kahit nakahiga kami gusto skin to skin lagi. Kapag tatayo nako or kahit ilayo ko lang onti, iiyak na. Hanap niya din siguro init ng katawan ko. Then for the remedy, onting stretch for a few minutes or pa-massage din kay hubby with some linament or calming oil po. ❤

Regular visit to the spa and some stretching help me ease the back pain. Sometimes, I ask my toddler to step on my back right after work kasi at least hindi ganun katindi ung pressure but I feel a bit relieved when he steps on my back. He now volunteers to do that every time he sees me tired from work.

Masakit talaga sa likod, nakakangalay. Hot compress mo po or kaya naman yung boteng may mainit nantubig tas ipagulong mo sa likod mo, ayan advice sakin, ang nangyari kasi sakin, di na pantay yung likod ko, nakapaling nansiya kaya pala, ang oa ng pagsakit niya. Need na ipatheraphy.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan