70 Các câu trả lời

VIP Member

Awkward sa isa’t isa. hehe :) nahihiya ako gumalaw baka mamisinterpret nila... though naglilinis ako lage dito. Pero pag gusto kong magsquat o excercise, sa kwarto pa ko ppunta kase nahihiya ako pag sa sala e 😂😁 (mabait sila in-laws)

Ako naman po, MIL and SIL din, pero baliktad, sila ang nakatira samin, bahay namin. Wala kasi silang bahay dahil sinanla ng Mil ko. Ang hirap. Kasi kargo mo lahat. Walang trabaho MIL ko student pa SIL ko sa gastos pa namin pagaaral. Hay.

Kung may anak kayo, asahan mo na makikiagaw si MIL Feeling nila sila dapat ang mommy. Sila ang masusunod. Sa gatas sa diaper kung anong gamot ipapainom. And ihanda mo na sarili mo na lahat ng kilos mo may masasabi sila.

Hahaha! Sinisiraan niya na nga ako sa family ko eh. 😂 since hindi niya ako ma control, dun siya sa family ko nagsasabi ng kung ano-ano.

Mabait si MIL at FIL. Mabait din naman sila SIL. Pero mahirap parin kasi need mo makisama ng maayos. Kailangan mong mag-adjust. Konting mali mo lang makakarating na sa buong kamag-anak. Kaya kailangn talaga hiwalay..

Mother in law ko sis,is super mabait..yung nga lan minsan d ka medyo mka decide sa baby mo.. At it's ok.. I understand kasi mas madami yung alam nila kesa sa aten eh..but thankful ako kasi mabait monther in law ko

Sa akin naman, we are leaving in the same house but we have separatere frigerator, kusina, at lutoan. We can decide naman on our own PERO di talaga maiiwasan na yung mother-in-law yung maiingay. 😂😂😂

Depende siguro sa ugali ng mga in-laws. Pero siguradong bihira lang ang mga pinapalad. Pakikisama ang mahirap at kaylangan ng mahabang pasensya. Kaya masmaganda kung nakabukod. Yung malayo 😆

Hay naku.. It takes a lot of patience and understanding. Grabe ang pasensya ko sa mother in law ko. Grabeeeee. Everytime sinusumpong mama niya talagang napapagsabihan ko talaga partner ko.

Hahahaha basta ako. Tiis lang at hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para sa kanila. Be who you are. Di tayo pinanganak para baguhin ang sarili natin sa ibang tao ☺️

Mas magandang may kasama. Kung feel mo namang kasama sila, at maayos naman pakikitungo nila sayo. Carry lang. Mahirap dalawa lang kayo sa bahay ng asawa mo, lalo na pag may trabaho pa.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan