Dati di ko alam kung kaya ko ba magsell ng kung ano online. Feeling ko kasi may mga tao lang talaga na fit magbenta o magnegosyo. Natuto na kasi ako sa dalawang networking companies na nasalihan ko through hiya at pilit ng kamag-anak. Ayun, naubos ang almost 100k kong ipon at wala pang kalahati ang bumalik. Sad.
2 weeks ago, nagstart ako magtinda ng yelo. Haha! Kinausap ko yung nagtitinda ng palamig sa may kanto kahit di kami close kasi di naman ako palalabas ng bahay. In one week, kumita ako ng 156 pesos. Tapos narealize kong ang saya pala kumita ng sarili kahit maliit lang so naghanap ako ng supplier ng Choco Butternut loaf at may nakita ako. Mas mahal ng slight sa iba pero ang sarap. In 2 weeks, I earned 2k na. Nagpopost lang ako sa timeline ko. Nahihiya kasi ako magpost sa marketplace. Nahihiya din ako mag-alok talaga kahit sa friends. E may mga nagcomment at pm. Problema ko yung baby ko, sobrang takot sa ibang tao tapos halos whole day nasa work at stuck sa traffic ang asawa ko kaya di din ako makaalis. Buti mababait sila at pinipick up nila sa bahay o kaya kapag nasa church kami, dun na din sila nakikipag meet. Nakakatawa at nakakatuwa lang na kaya pala ng isang mahiyain at konting friends ang online selling. Ngayon meron na rin akong resellers kaya siguro magtutuloy tuloy na to. Kaya sa mommies dito na natatakot o nahihiyang magtry sa kahit anong dagdag kita. Basta legal at di mangtatapak ng tao, go lang. Malay nyo sa maliit nyong puhunan, malayo ang marating nyo ?
ayaw ko na