29 Các câu trả lời
Ay nako. Wag po tyong ppayag na ganyan. Papiliin mo a. Yung friend ng bf ko na asawa ko na ngayon "My at Dy" ang tawagan. Nakiusap ako sa knilang dlwa na baguhin nlang ung endearment nla. To the point na inaway nko nung friend. At obvious na hnd mkapgdecide bf ko. Gumanti ako. Ngkaroon ako ng kaibigan sa work na pnagselosan tlga nya. To the point na ngssurprise inspection pa sya sa office at sobrang nainsecure sya. InaUnfriend nya rn lgi sa FB ko. Aadd ko rn lagi after. So ayun, alam nya na feeling.. ok na kmi. Married na with 1 baby. Andun friend nya nung kasal nmin, nalasing at gusto dw ako kausapin pra mkpagAyos.. pero d kmi nkapagUsap.
Papiliin mo yan. Di yan normal. Trust your sixth sense. Kung ayaw niya ng gulo tigil tigilan niya. Ikaw ang top priority ng asawa mo. Kung ano nararamdaman mo, kelangan niya respetuhin. Kung blinock ka na ng babae, who knows kung naghihintayan na yan kapag nasa labas asawa mo. Kausapin mo din ng personal ang babae. Kapag ayaw, alam mo na. Block mo din lahat ng connected sa kanila. Tandaan mo, may sumusulsol sa ganyan kung pinagpapatuloy pa. Magparinig ka na din ng mga kasong sinasampa sa mga nangangaliwa. Matapang dapat tayong mga asawa. Wag ka magpapatalo sa friend.
Hayy girl mga lalaki putulan mo Ng kaligayahan d Yan aamin hayss wag kalang dada Ng dada Kung Baga no effect Lang pero habang binabaliwala mo hanap ka malakas na ibidensya the more na Alam nyang nagagalit ka itatago at itatago nya pero kapag hinahayaan mo kungyaring Wala Kang Paki sa kanya or Baga may tiwala ka o nanahimik ka na pababayaan nya nalang yan..pag tulog sya saka mo e check cp nya pag umalis sya Kung may time ka Sunday mo or sa mga anak mo sa pamangkin mo Kung gusto mo talaga malaman Kasi ako Danas ko na yan
same here sis. bf/gf pa lang kme non at LDR kme pero same country. bestfriends daw sila e.. inopen ko fb messenger nya habang mgkachat kame at kachat rin pla nya ung babae. tiningnan ko kung sino una nya rereplyan. aba! nakarami na sila ng usapan tapos ung chat ko di pa siniseen! deds sya ngaun sakin!! bnlock ko lahat lahat ng babaeng kachat nya.. pinapili ko rin sya kung ako o bestfriend nya. bakit daw ganon e mgkaibigan lang daw sila... Subukan nya kako magUnblock magkalimutan na kami..
Sis uso na ngayon Ang sulutan kaya habang may kutob at maaga pa putulin mo na Ang namamagitan sa kinila mahirap pag nadevelope Yan traidor Ang kabet tandaan mo Yan! Pag may gusto sila kailangan makuha nila minsan sila pa Ang matatapang kaya nilang paikutin Ang isip Ng lalaki para Lang masabing mas kawawa sila kaya un atensyon Ng lalaki nauuwe muna sa awa hanggang sa seryosohan na..... opinion ko Lang un sis ha!
May something yung mga ganyan ganyan, kinompronta ko rin asawa ko non kasi dko gusto yung closeness nila nung kumare nia kumare lang nia kasi dko sia bet kumare haha! Ayun tumigil naman yung asawa ko tska pansin din ata nung babae na cold nko sakanya kaya dumistansya narin. Kaya wag pakampante sa mga ganyan womens instinct is always right!
Nasa asawa mo yan alam niyang nagseselos ka pero di umiiwas, instinct kasi natin mommy palagi totoo try mo munang obserbahan yung kilos niya kung umiiba ba kasi kahit una pa silang magkaibigan di naman palagi yan rason na dapat may messages sila, dapat din yang asawa mo umiiwas lalong lalo alam niya nag seselos ka.
Para dika na mag alala at mangamba e block mo lahat NG friend nya na pinag iisipan mo !! Minsan Kasi di maiwasan na may tulay sa kanilang dalawa para mag usap ehh . At may solsul (Tama ba haha) habang maaga agapan mo .. parang ako para Dina ako mag isip .pinuputol ko na AGAD communication nilang lahat .. stress ehh
Ay may something na yan sis. Naku Habang maaga pa putulin mo na kng ano man meron jan sa dalawang yan gumawa ka ng paraan. Wag magbait baitan maabuso ka lg tlaga. Sa panahon ngayon wag na wag kang magtitiwala sa kahit na sino ksi minsan kahit kaibigan mo pa aahasin ka pa dn. Madaming ganyan ngayon.
Minsan kase dapat marunong din makiramdam ang mga "FRIEND" eh tangena naman kase kapag alam ng may relasyon nya dapat bawasan na yung ginagawa nila dati nung mag "FRIEND" pa sila .. respeto din.. kung wala namang masamang ginagawa eh bakit nag seselos si gf ganun lang yun eh
Jizel Samenian Manaog