111 Các câu trả lời
Marami d naniniwala sa aswang. pero based on my Mother's story noong pinagbubuntis pa lang daw yung little brother ko totoo daw na pag buntis ka lapitin ka daw ng mga aswang. I was 2 years old back then. She said na myroon daw aswang. Nakatira kasi kami sa bukid, sa hacienda na malayo pa sa brgy. proper. wala si Papa noong gabing yon dahil pumunta sa lamay ng lolo niya sa kabilang hacienda. At si mama lang at ako ang naiwan. Tulog na daw ako that time noong may narinig c mama na kaluskos sa bubong namin. sabi nya baka daw manok. pero pasado alas dyes na daw ng gabing yon at halos lahat ng mga tao ay tulog na . sa hacienda o sa mga bukid kasi 6:00 pm plang naghahapunan na tapos 8:00pm wala na tlgang lumalabas. ano naman gagawin ng manok sa bubungan namin?.d daw sya nag ingay. Tapos nasa loob lang kami ng kulambo. Ang weird daw ng sound na nanggagaling sa taas . Tapos nagulat daw c mama noong yung kaluskos naging malalakas na yabag na sa yero na bubong namin. Yung kapit bahay na tito ko narinig din pala. Lumabas daw tito ko ng bahay nila kaso napaka ingay tlaga ng pinto nila pag kahit gaano mo pa ka ingat buksan. Sumigaw tito ko pqglabas niya tapos yung kung anong hayop sa taas ng bubong namin nawala na lang daw bigla. Kinaumaghan inakyat daw ni papa yung bubung namin tapos doon nakita andaming yupi. Ako d pa naman nakakita ng aswang at ayaw ko na makakita pa. 😅
Yes this is true! Proud waray kami. My mom and dad both came from eastern samar. Then lumiwas sila ng manila para magwork dto. Then nagpakasal. Kakapanganak lng ng mama ko sa panganay namin na ate, then start 6pm iyak na daw ng iyak ang ate ko kwento ni papa. Until isang gabi, late sya umuwi from UST(dun nagwowork papa ko before) may naabutan sya na malaking brown na pusa sa may sala kung saan nandun ung duyan ng ate ko. Agad pinana ni papa and nayamaan sa mata yung pusa. Kinabukasan, to their surprise, yung kapitbahay nila na matanda ay bulag na ang kaliwang mata. Sya pla yung umaaswang sa ate ko before. Then kinonfront ni papa yung matanda, nung araw din na yun bigla nlng daw umalis yung matanda sabi ng papa ko at hindi na din umiyak ate ko ng gabi.
Not until I experienced it myself, during my 2nd trimester naramdaman yung aswang, sumasakit palagi yung tyan ko pagsapit ng madaling araw saka may kaluskos sa kisame kung saan ako banda natutulog, mismo mga kapitbahay pinagiingat ako kasi mayroon nga daw silang napapansing malaking pusa na gumagala o dark entity bago mag alas sais, malaking factor na di ako matatakutin kaya siguro di makalapit saken. Tubong Waray ako, pero ng buntis ako nakatira ako sa boarding house ng asawa ko, at di rin yun ang homeland ni mister, kumbaga bagong salta lang kami don kaya ganon.
ako.naniniwala ako kase nung buntis ako sa panganay ko nag aaral.pako jun ng college gabi uwian namen tas may matanda naglalaway sa tyan ko kaya pala parang iritable ako tas yung lana ko sa bag nag papawis nung lumapit ako.sa kaklase ko nawala sya nung pag uwe ko galing school tinignan ko bag ko ubus yung laman ng lana ko . tas sa pangalawa naman yung pusa galit na galit saken pinasok pa talaga ako sa loob ng boarding namen tas galit yung mata nya ayun napatakbo ako.sa trabho ko di nako nakatulog jun galing pa naman ako duty 24 hours
TRUE .Proud negrosanun ako at masasabi ko madami ganyan sa probinsiya. . kahit Mapa province kman or syudad . May ganun tlaga pero (TO SEE is to BELIEVE) nga . E ngaun nasa maynila ako at buntis ngaun .Sabi ng mama ko maglagay daw ako ng luya at bawang sa damit ko, kasi pag buntis ka mabango ka daw sa mga aswang at pang iwas bati narin daw😅. Pati kapitbahay namin pag nakikita ako sabi nila magsuot daw ako ng black na damit lagi kasi para di daw ako mkita ng aswang sa gabi ngiging (invisible) ako sa mata nila..
Yes my experience it sa last sana naming kapatid, kambal pa naman sana. Elem pa lang kami nun and everytime daw na susunduin nya kami sa school lagi may nakaabang sa kanyang matanda na nakaitim sa mg gate ng school grabe daw ang titig sa tyan nya. At twing gabi naman lagi nya nararamdaman na may nagmamasid sa bintana ng bahay namin. Hanggang sa naramdaman nya kakaiba sa tyan nya tapos nung ipacheck wala ng heartbeat yung isa pero di din nasave yung isa pa kasi natagalan pa bago nalabas.😪
Ako di ako naniniwala talga nung una pero yung na experience ko na sa third child ko naniwala na ako.. Yung mag sumisitsit tapos parang may Ibon kaloka totoo Pala Yun kapitbahay ko PA nakapansin Kaya ayon nag budbud ako ng asin bawang at sailing labuyo sa bintana namin. Take not na Nasa city aako ng Marikina,
true, totoo yun. yung buntis ako laging kalabit "asawang" ko.. 😂😂😂 di ako naniniwala sa aswang.. yung asawa ko taga capiz.. more than decade ako tumira dun.. so far wala namn.. yung asawa ko lang talga yung aswang na nakita ko😂😂😂
False! If u have a huge faith in him, you pray always.. walang khit ano lalapit sayu. . Well. Thats for me, base during my pregnancy. . Tska i have bible beside my bed. . Kaya I didn't felt any kind of those "not like ours" 🙏🏻
Yes naniniwala ako dahil laging nadalaw un nung buntis pa ako kaya pinalagyan ng ilaw ang pinto hanggang sa Manganak ako.still sarado ang pinto o bintana lalo na newborn palang ang baby ko
Giulia Cuan