2 Các câu trả lời

Nung 1st trimester ko po nagbleed ako once then mga sumunod spotting nalang na brown. Pinag bedrest lang po ako ng OB ko ng 2 weeks hanggang sa naging 1 month and 1wk ang tinagal ng bedrest ko. Ganyan din po ako noon, hindi ko malakasan pagsasalita ko or pag nagsalita ako ng matagal nananakit agad puson ko. So better na magrelax lang po. Wag magtatayo masyado lalo at ang sabi ni OB is bedrest :) pwede niyo din po ask OB niyo if strict bedrest ba need mo or pwede ka padin naman tumayo like pag magwiwi ka or maliligo

Ganon po ba? Feeling ko nga rin mag eextend bed rest ko dahil dito, so mahabang habang bakasyon sa work. Anyways, thanks po.

ako po 1st and 2nd trimester bed rest. pinagbawalan ako ng matagal na nakaupo o nakatayo. kahit nga pagligo nakaupo din ako. saka wag ka din sisigaw mommy bawal yung nappwersa. relax lang po saka higa ka lang talaga. ingat ka po and God bless..

yes tiis lang mommy. sana nga mabilis ka lang maka recover. ako kasi 7 mos pa bago naging ok.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan