CS cut
Hi CS moms! FTM here. Had my CS Feb 7. Anong CS cut po pinagawa nyo? Vertical or bikini? And why?. Ang naririnig ko kasi mas safe and easy to heal ang vertical kaya iyon ang pinagawa ko. Tama b decision ko? I'm still hoping my next child would be in normal delivery.
Explain sakin ng OB ko, pareho lang daw ang pain, pero mas mabilis magheal ang vertical. Mas madaming nerve endings daw kasi naka-cut pag bikini, so ginagawa lang daw nila yun by request ng patient.
cs din po ako sa first, vertical din. pero nag search ako malabo daw mag normal delivery sa next baby pag vertical. but im still hoping na kaya kasi 6years nadin naman dumaan.
Pwede ka pa naman ma normal after CS. Pero alam ko may minimun month. 18 months yata from the date of last cs to due date ng next baby. Hanap ka lang ng VBAC advocate na doctor.
Bikini sakin, ni requests ko talaga sa OB ko kasi sa tingin ko mas ok sakin lalo sa tiyan, ok naman so far. Madali din sia nag heal non.
Sakin Vertical, di na Kasi ako pinapili ni OB Kasi emergency. Thankfully maganda nman pgkkatahi and maliit Lang hiwa ko🙂
Vertical sa akin. 4-5 weeks ok na ung tahi.
Vertical akin mabilis mag heal kase
First Time Mom