CS Moms

Hi CS Moms out there..tanong ko lang, kapag po ba CSD gising din po ba kayo nun? I am just curious kasi base sa mga nababasa ko dito parang ang hirap ma CS..pano po ba yung procedure during delivery? Share nyo naman po..hehe thanks.

38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

in my experience, tinurukan muna ako ng pampatulog then yung anesthesia. tulog lang ako the whole time hahaha pero parang ginigising ata nila ko non to hold my baby kaso di ako magising. naririnig ko lang sila pero yung mata ko ayaw dumilat. sabi ng isang kasama nila, wag na daw ako gisingin kasi natutulog daw ako 😂 after a while, nagising na rin ako. di ko maramdaman yung binti ko as in. tinatry ko igalaw pero di ko talaga kaya. di pa ko agad nailipat sa ward kase may mga tinurok turok pa sila sakin na sobrang nakakahilo kaya nasuka ako. okay lang naman daw kasi nakakasuka daw talaga yon. madaling araw na ata ako nalipat sa ward. 8pm ako nanganak tas madaling araw ako nadala hahaha tapos yon, maya maya pinahawak na nila baby ko sakin. super sarap sa feeling 🥰 kahit masakit yung tahi, oks lang ☺️ worth it naman ❤️

Đọc thêm