Kung ganyan na nag-tuturuan sila kung sino mag-aalaga, sana pina adopt nalang si baby sa mas deserving na maging parents sakanya. Hindi yung ibibilin sa iba, kasi kahit kadugo mo yung pag-iiwanan syempre madami ding gagawin at aasikasuhin. Ewan ko ha kung bakit may ganyang magulang, nag-anak anak tapos ayaw alagaan! Kawawa naman yung bata, di manlang mabigyan ng aruga ng magulang.
aaw. baka kase hindi sapat yung kinikita ng cousin mo sa sideline nya at kailangan na talaga magwork ni ate girl, mahirap kase talaga may baby, magastos. isa pa baka may ppd din si ate girl kaya ganyan behavior nya. tignan mo nalang yung bright side ng pag aalaga mo sa baby nila, nahahanda ka, para kapag lumabas na baby mo sanay kana at hindi kana mangangapa ☺️
Parang di pa sila ready to have a family and have their responsibilities as parents., though gnagawa nla yun para magkapera pero sana mas isipin nila mas mahalaga yung baby kesa sa pera., sana alam nla timbangin ang mga bagay bagay., and for you momsh buti nlang mabait ka but then talk to them na nastress ka lalo at preggy ka nga., May Godbless us all po.,
Baka buhay dalaga. Akala niya porket nagwowork na, di na nya responsibilidad anak niya. Wala namang mali if mag work siya pero sana pinag usapan muna nila ng partner niya kung sino ba talaga mag wowork at kailangang isa maiiwan. Kawawa naman si baby. Iba ang alaga ng nanay. Sana pinaramdam niya muna yun. Mabilis lang naman silang lumaki.
Yung hipag ko din ganyan hanggang sa magbinata yung pamangkin ko kami parain ang nag aalaga d ko alam kung nagsisisi na sya dahil nawalan ng amor sa kaniya yung anak nya ni ayaw makitulog sa bahay ng mga magulang nya dahil d daw sya komportable may nanay talagang ganyan juice ko kawawa ng mga baby na pinagdamutan nila ng pag aaruga
ayan ang mahirap kapag anak ng anak tapos hindi aalagaan ang anak, ang ending ipapasa sa iba ang pag-aalaga, yung iba ang lakas ng loob mag anak pa ng mag anak lalo na kapag may naiiwanan, kawawa yung ibang naiiwan sa bahay wala silang choice kundi mag alaga ng bata. 😂madali lang gumawa ng bata, ang mahirap ang mag-alaga.
Mas maganda siguro kung kausapin mo yung parents ni baby. Lalo na pa 7mos ka na and mahirap kasi din sayo pag nasa 3rd trimester na yung bata. Baka din di sapat ang pera nila financially kaya nag work agad. Pero they also have to understand na kelangan mo din rest due to your current condition. I hope this gets resolved.
baka po wala sila pagkukuhaan ng financial pag di siya nagwork para sa baby di naman po siguro lahat ng mommy madali sa kanila iwan ang baby..pero ok nga yan mommy atleast paglabas ng baby mo hands on kna kaya may experience kana..mas better kausapin niyo sila mag asawa o baka masyado pa sila mga bata kaya ganyan sila
Hay nako may kilala din akong ganyan. Nakaaway ko na din. Pano halatang ayaw mag alaga ng anak. Minsan ipapabuhat sa iba ung bata tas nakikita na ngang inaantok yung nag bubuhat ng bata, di padin kinukuha. Di man lang nahihiya. Payosi yosi nalang nakadikit sa asawa lagi kala mo dalaga. Kagigil. 🤬
buntis k pala. not good foe u beb sarili m alagaan mo and ur baby.. if d nla kaya algaan yan ipaampon nila hays.. somebody needs to stay at home fr d baby kahit isa s knila if d kaya.they cn work if they cn afford a nanny. nauso dto s pinas kung kni knino papaalagaan..