58 Các câu trả lời
Mga mommy share lang ako lalo na sa mga nagsasabi ng privacy.Naniniwala ako jan dati pero dalawang officemate ko nag advise to check my Hubby’s phone and social media from time to time kahit gaano kalaki trust natin sa kanila, and I tried one time out of nowhere lang. Walang signs or any duda but nakabasa ako ng chat niya to someone. Nagsimula daw sa tinulongan niya parang damsel in distress ang babae which is younger than us but parang nahulog cguro loob ng hubby ko thru chat. Fortunately, di pa cla ngkita kasi nasa province ung girl if di ko naagapan baka nagising na lang ako wala na. After 2 years nung first incident, may nakita na naman ako sa phone niyang searches like looking for massage na extra service. Pregnant na ako that time and bed rest.. I don’t know if namana niya sa ama niya or nature talaga ng mga lalaki but sometimes we need to check to make sure baka niluluko na tayo di pa natin namamalayan dahil pinaninindigan natin ang tiwala at privacy na yan. Just sharing based on my not so good experience 😅
Hindi po at iwasan naten ang pagkuha ng mga ganung bagay sapagkat privacy po naten bawat isa un, at isa po un sa pinagmumulan ng away. Una po if sainyo po ba gsto nio po na alam ng asawa nio pw nio tapos nagkakausap kau ng pamilya mo minsan or mga amiga mo at gsto mo ba ung nababasa nia if ano mga pinag uusapan nio? Siempre hindi kahit ba aswa mo sya minsan may mga bagay na mainam eh tayo lang nakaka alam. Ang pangit naman if may messege ka mauna pa sila mag open sayo. Tapos pag alam mo pw siempre mayat maya sige open ka at hahanap ka ng pwede pag awayan. Ayun po kaya mainam eh wag po tayo mag bigayan ng pw if may need lang po tayo pwede tayo mag paalam na hahawakan naten cp if may gsto icheck or tignan
yep. lahat ng accounts nya nasa phone ko. from his personal email to all of his social media accts. binigay nya na yon sakin nung bagong bago palang kami mag jowa at di pa nagsasama kase alam nya yung trauma ko sa mga ex ko, and yung trust issues ko due to past experiences. alam din nyang may anxiety attacks ako. until now, okay lang sakanya na lahat nang bagay alam ko, and very open sya sakin. hindi din kami hirap maghiraman ng phone kase both of our accts nasa phone namin pareho. hehe. sa lahat nang relationships na nagkaron ako, sakanya lang ako as in naging kampante and at peace. hehe
yes mi sa lahat..wala nmn dahilan para hindi mo alamin or malaman..hindi nmn ibig sabihin non ay wala ng tiwala sa isa't isa..for us it's not true na iniinvade nio ung privacy ng isa't isa dahil lng alam nio ung pw..samin kc alam lng nmin ung pw but it doesn't mean na kalkalin mo na everyday kc my pagdududa ka or binabantayan nio ang galaw ng bawat isa..marami padin nmang oras for "me time" at needed nmn un sa isang relasyon..mas efficient sya for me lalo at nd aq palatandain mas maganda na alam nya kpag aq ung nkalimot..haha
hindi po kasi kahit sya di nya alam na password nya 😂 pero yung phone namin accessible anytime pero diko ugali mag check ng phone nya unless may pinacheck sya sakin ganyan or vice versa. Wala naman kasi kami ibang socmedia account Facebooj lang. Pero siguro kung may history na ng 3rd party, medyo ibang usapan na yun, magiging paranoid kana. Kahit anong bantay mo naman kapag pinili ng isang tao ang magloko, wala kang laban.
Hindi po. even ang atm nya mga mars di ko alam ang password at sya ang may hawak. pareho kaming working, pero ang pera nya ang pang gastos sa lahat, ang binibili ko lang essentials ni baby. the rest sakanya na. Like, why? ewan, di ako yung tipong nananakal. hahayaan ko lang sya na bilhin ang gusto nya, as long as nabibigay nya ang pangangailangan namin minsan sobra pa nga. and also socmed, cp, sakanya lahat yan. hehehe
Hindi po, at ganon din sya sakin. Mas ok na rin yon para sakin para hnd ako nag iisip isip ng kung ano. Sabi nga nila, "What you don't know, won't hurt you." 🤣Pero pag nahuli ko sya, alam naman nyang iiwanan ko sya. At hindi mapupunta sknya ang bata. Hindi nmn natin sila pwede kontrolin sa lahat ng bagay. May sarili na silang pag iisip. Kung mahal tayo ng partner natin hindi sila gagawa ng ikasisira ng relasyon.
no. transparent naman ang husband ko sakin so why bother? he even lets me know kapag may kausap siya sa phone and ano napagusapan nila. trust is something sacred. walang rule sa buhay na kailangan mo malaman passwords ng isa't isa. wala naman nyan nung sinaunang panahon. he has his own privacy, i have my own. hindi conjugal property ang social media unless pangalan niyo parehas ang nandon ☺️
Yes, passwords sa social media, atm card, office log in, pati sa steam account para sa games. pero palagi ko nakakalimutan kasi i really don't mind. hahaha. Our pastor told us na dapat walang lihim kahit passwords sa socmed at cp. that causes doubts in the marriage kasi, plus pwede magsimulan ng pangangaliwa. it is up to us na lang if we will "check", but we don't naman. :)
no.. pero phone yes at laging nkalog in ig, fb nya but ayoko pakialaman. ayoko din pkialaman nya social media ko khit alam nya din password ko sa phone. privacy rin dapat. unless may ipopost akong kalokohan like pag bday nya, fb nya ggamitin,ipost ko "pogi ako" ganern. hahaha. tiwala at respeto sa isa't isa lang.