Normal po ba ang constipation sa buntis na kahit umabot na sa ilang araw, wala pa rin po? Pls help.

Constipation during pregnancy

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hi mi! Nung previous months ko super constipated akooo.. Halos pinakamatagal kong D nakapoop nun is 4days.. Tapos poop na poop nako, parang nag block na pwet ko, ayaw lumabas NG poop😭 nag pabili agad si hubby ko NG suppository, unang saksak ang tigas pa ipasok, gawa nga ng na lock na siguro ung poop sa loob, pangalawang saksak, ayun ang laki at ang tigas, superrrr!!! 😭 Kaya noon lagi ko natatakot everytime na magpopoop ako, kase nakamark na sa isip ko na baka ganon nanaman😭 pero sabi NG mama ko and ung iba po dito, ripe papaya at more water intake.. Ayun po umokey okey sya, tapos nag ookra din ako at saluyot, pampa dulas NG poop😊 ngyon po 15weeks and 5days nako, D nako nagkoconstipate, kasi panay panay na inom ko NG water, pag gabi nagmamaligamgam din ako na water, mas okey sya inumin😊 every other day lang po pag poops ko, pero pwede na kesa abutin nanaman NG ilang days😊 tska ung ob ko niresetahan din ako NG dulcolax, prescribed naman po nya sken un, pero once lang ako NG take, ayaw ko din ko kasi masyado mag rely sa meds at baka mamaya may effect kay baby, although prescribed naman sya😊 tska nag istock din po pala ko NG suppository mi, incase lang na Dko feel mag poop after 2days, saksak lang😊 okay naman dw po sya sabi ni ob ko😊 until now nga mi, nagpepray pako before mag poops e😅 kasi nakakapraning, at baka mamaya magdugo ulit sa pwet, gawa NG napunit siguro ung skin sa pwet sa sobrang tigas.. Medjo hinay hinay din mi sa pag ire, at baka mamaya sumama si baby😊😅 kaya pag nag poops ako panay panay pa tingin ko sa bowl at baka mamaya Dko namalayan, sumama na si baby 😂 hehehe.

Đọc thêm

sbe ni OB not normal pero common. Common daw sa buntis ang constipation since naiipit ang ating intestines. I have anal fissures po, minsan consti. din ako as of now kahit malambot o normal ang texture ang poop ko masakit mag poop kase may sugat at may dugo ang pwet ko. Makati at masakit sya 🤧

normal po ang constipation sa buntis mi, pero wag nyo po hayaan na di kayo nakakapag poops ng ilang araw kasi ikaw rin po mahihirapan.. baka magka hemorrhoids or anal fissures (sugat sa pwet) po kayo nyan.. drink lots of water mi tapos eat more fiber.. oatmeal, fruits and veggies po..

2y trước

ok mi.thank u po

Ako po nong going 6 months ako constipated din ako, umaabot pa ng ng 4 days bago ako makapag poop tas matigas pa huhu which is normal dahil sa iron na tinatake ko. Pero more on water lang po talaga plus laking tulong ng yakult sakin ngayon everyday na akong nagbabawas.

2y trước

ilang araw na rin po sa akin tska nagyayakult ako pero wala pa rin po.

isa sa mga cause ng consti natin is ung mga prenatal vit lalo na if may iron, better take a lot of veggies, pechay is really great! ako pag 2 days na at wala pa din I take Delight, for me mas okay ung delight kaysa sa yakult kasi may fiber siya :)

Normal po sabi din ng OB ko. Up nyo po ang intake nyo ng water and food na mataas fiber. In my case, iniwasan ko po yung red meat and dinamihan yung intake ng lettuce, malunggay at kangkong.

Kaen ka lang ng mga fiber mi, lalo papaya saka kamote makakatulong. Ganyan ako nun, hirap na hirap dumumi, bawal umire ng matinde at baka baby ang lumabas 🤣

pwede po kayo magrequest sa ob kung may ibang brand ng pre-natal vitamins like yung sa calcium na iniinom from Calvit Gold to Calciumade ako kc dun ako naconstipate

normal lang po. dagdagan mo nalang mamii ang tubig mo saka less rice ka at meat damihan mo yung gulay saka prutas madaling matunaw.

Thành viên VIP

Ganyan din ako, minsan naman nanakit ung tyan ko parang nag tatae. minsan naman mahirap tumae hahah haist!