First time mom

college palang po ako at nabuntis ako ng long term boyfriend ko, wala po sa plano naming magkababy po ng maaga pero binigay Niya, tanggap naman po namin kaya po naming panindigan pero natatakot po akong sabihin sa parents ko dahil panganay po ako at inaasahan po nilang makakapagtapos po ako ng pag aaral on time. Ngayon po nasstress po ako kung pano ko po sasabihin sakanila sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na rin po alam gagawin ko. Any advice po:))

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa tingin ko po, the sooner na maipagtapat nyo sa kanila, the better. Para kung hindi man nila agad matanggap, meron pa silang ilang months para magmuni-muni at magpatawad. And more importantly, it will be a huge stress off your shoulder. Kung anuman maging reaction nila, tanggapin mo na lng pero at least nasabi mo na. Suggestion ko, isama mo si bf mo kapag nagsabi ka, para makita rin nila sincerity nya and knowing na paninindigan nya ang bata, I think it will be a great comfort to your parents as well. And syempre, prepare and share your plans-- what about your studies? financial? setup paglabas ni baby, etc.? Tiyak na iyan mga concerns nila that can make or break their support. Good luck and God bless po!

Đọc thêm
1y trước

I really appreciate your time and effort in giving me advice🤗❤️

actually, magagalit talaga ung parents mo pero later on matatanggap din nila especially makita na nila ung apo nila. Be honest with them at i-continue mo parin ang pag aaral mo for the sake of your child. Accept the truth na magagalit sila, at useless ang maestress ka sa wala kang action na ginagawa, I mean you can decide kung sasabihin mo na ngayon o after u nalang manganak. It's all yours, kawawa ung bata na madamay sa stress mo.

Đọc thêm
1y trước

maraming salamat po sa advice ipon lang po ako ng lakas ng loob❤️

Ipagtapat nyo na po agad. I did something like that. Pinatagal ko pa hanggang sa ayun kung ano ano ng bawal nagawa ko. Nagalit si mama kasi di man lang daw nya ako nasubaybayan at nasabihan sa mga bawal gawin at inumin. Magagalit talaga yan sa umpisa pero later on pag nakita na nyan apo nya nako baka di ka na pansinin. 🤣

Đọc thêm
1y trước

wow congrats sayo!! sana ganyan din maging reaksyon nila knowing na sobrang taas ng expectations nila saken. Pero sana magkaroon naku ng lakas ng loob🙏🏻

Thành viên VIP

sabihin mo n mii ngayon palang. baka mas magalit pa magulang mo kung itatago nyo pa, ihanda mo din sarili mo na magagalit sila, pero wlang magulang na nakakatiis sa anak. congrats sayo mii

1y trước

Maraming salamat opo nag iipon lang ng lakas ng loob❤️