17 Các câu trả lời
Ganyan na ganyan din sakin ako sinisisi hirap kase sa kanila dami pamahiin... Pero sakin sumasagot ako nung sinisisi ako sinagot ko sila sabi ko ako may kasalanan? Sino kaya yung nilalabas bata madaling araw anong point para ilabas bata ng aroud 5? Eh iba ang klima ngayon maginaw talaga? Tapos nag luluto sa di uling na mausok yung usok pasok lahat sa kwarto namin kahit sinasabe ko na wala padin ka artehan ko daw gang sa nag reklamo nako na umuubo ubo na si baby... pabango kahit sinabihan ko ng wag mag pabango sa loob ng bahay at kwawa si baby wala sila mga paki naniniwala sila sa mga pamahiin pero yung mga bagay na actual nilang ginagawa di sila naniniwalang nakaka apekto sa bata... Gang sa yung ubo nyang once a week naging once a day na pina check up ko na agad buti nalang talaga kahit papano walang kontra asawa ko sa desisyon ko yun lang talaga nag aaway kami dahil ayaw nya umuwi sa bahay namin gusto nya dito sa bahay ng magulang nya kase dito sya kumikita wala din ako choice
Sorry pero yang asawa mo ay Mama's boy. Sinabi mo na sknya ipacheckup na agad nung una pa hnd pa naniwala. Kung ako ikaw hnd ako mananahimik sis dhil safety at health ng anak ko ang pinaguusapan. Kahit nandito kami sa inlaws ko, Ako pdin nasusunid sa mga anak ko. Kapag narinig kong may sipon/ubo sila inuunahan ko na agad ng sabi na wag lalapit samin dhil baka mahawa at kmi din kawawa. Kahit pinsan ng mga anak ko wala ako paki kahit marinig ng mga BIL ko. Basta sabihin ko wag aakyat sa kwarto namin ng may sakit.Pati asaw ako sinsabihan din sila. Dapat kayong mag asawa ang partner hnd magkaaway. Dapat kayo ang priority nya hnd pamilya nya. Yang yosi na yan tlaga isa sa mga main reason ng pneumonia. Mas malala ang 2nd hand smoker. Hnd din kasi mdaling nawala ung amoy nyan sis,, Kumakapit. kung pwd ka bumalik sa pamily mo, dun na lng kayo
layasan mo na te ng makapag isip yang asawamo sama mo baby mo dun ka muna sa mama mo isipin mo anak mo yung asawa mo matanda ma may sarili na syang utak gamitin nya naman
Tapos ngayon ikaw ang sinisisi? Ang sarap batukan ng asawa mo mi, sa true lang. Asawa ko sa akin kampi, nandito ako sa mga in-laws ko pero ang sabi ko ang pedia ni baby ang susundin ko, nung nagkaubo sya byenan ko pa nagsabi na ipacheck up agad, yung mga pamahiin nila minsan di ko sinusunod kasi di naman ako lumaking naniniwala sa pamahiin, di naman sila nagagalit sa akin, sinabi ko kasi kagad sa kanila na kapag hindi tayo nagkasundo aalis kami HAHA ayun walang problema pagdating kay baby. Tsaka yung reasons nila bat nagkapneumonia hindi naman totoo yun, season ngayon ng flu and natamaan talaga si baby mo. Hindi totoong madedede ni baby ang malamig kapag uminom ka ng malamig kasi pagdating sa tyan mo mainit na yan, Jusmiyo sa in-laws mo at sa asawa mo. Stay safe and if maaari magbukod kayo, sakit sa ulo lagi yan.
oonga eh nakakaipon nanga po ng sama ng loob
Ako po ang nasusunod sa anak ko, kahit ang dami sinasabi ng nanay ng tatay ng anak ko. kahit pag may pinapagawa ako sakanila para sa anak ko tapos hindi nila sinunod, ipapakita ko na disappointed ako, lalo na sa asawa ko sasabihin ko si ganito ganyan wala sa oras sa paginom msa gamot or kung ano. kasi alam ko ako at ako ang masisisi kung may mangyaring di maganda sa anak ko dahil ako ang ina at magulang ng bata. mamii kung may chance na bumukod kayo, gawin nyo po. napakalaking stress ng inlaws mo sayo. at sa asawa mo, wag ka matakot na sabihin ang side mo. kung di nya kayang tanggapin ang mga salita mo regarding sa pamilya nya, hayaan nyo na sya. magsama sama sila tutal sila sila magkaka mukha. ☺
hahaha, thank you po gagawin kopo
Sorry to say this mommy pero big NO talaga sa mga Mama's boy. Pag ganyan, wala sarili desisyon at lagi lang makikinig sa kung ano sabihin ng pamilya nya, lalong lalo mama nya. If I were u, bumukod kayo mag asawa. Kahit maliit basta bukod. Lagi ka madedepress kung ganyan asawa mo. Imbis na sya karamay mo, nakikinig sa sabi sabi ng pamilya nya. Para naman sa baby mo na nagka pneumonia, usually talaga coz nyan 2nd hand smoke kasi mismo mga doctor na nagsasabi na di totoo ung "natutuyuan ng pawis". Better think of your baby's health. Sabi mo nga, dimo naman masabihan inlaw mo na nagyoyosi, so better bumukod kayo para kayo lang ng hubby mo.
yun nga din gusto ko na e kaso kulang pa kase yung ipon gustong gusto kona talagang bumukod nung una palang Hindi Naman kase pwedeng dalawang Reyna sa iisang bahay
Wag ka nang madepress, ganyan talaga usually mga in-laws, ganyan din ako. 3yrs na sobrang hirap. Mahigpit na yakap for you sis. mahirap para sa ating mga mommies pag may sakin mga anak natin. Get well soon kay baby. Gawa ka lagi ng paraan na pag may naninigarilyo sa house niyo ilayo mo agad si baby. Try mo ding magvitamins si baby para di agad mahawaan. Di mo kasi talaga mapipigilan mga yan kahit ilan beses mong sabihan na pag may ubo't sipon sila Naku, di sila ganun kamindful, lalo nat nakikitira lang tayo. Wala kang kalasanan, Hayaan mo sila. I'll pray for your baby.
thank you po
tayong mga nanay kadalasan nakakapansin kapag may mali sa anak natin kaya incase na ganun mii kahit wag kana humingi ng opinion nila Kung alam mo mas makakabuti sa baby mo kadalasan kasi sa mga ganyan lalo nakikitira ka sa side ng asawa mo puro yan side comment mas mabuti na ikaw nlng mag desisyon anak mo yan Sabi nga mother's knows best para sa mga anak imbes na minsan kasi makatulong at mag advise sila sisihin kapa nyan kapag may sakit si baby eh Hindi naman din tumutulong diba. mas mabuti nlng tlga magbukod kapag ganyan mga kasama.
oonga una palang gusto kona talagang bumukod.
Ay nako mamsh. Wag po kayo maniwala sa mga paladisisyon na mga byenan. Kase ikaw lang dn ang kawawa nyan. Ako nga nag sisi dahil sa kanila ako naniwala simula sa pag bubuntis ko sila pumili ng ob ko. At ngayon sa huli ako parin yung gumagastos. At ako na yung walang klarong ob na pinupuntahan. Mag tiwala po kayo sa sarili nyo wag po sa iba. And mostly sa doctor po talaga kau maniwala wag sa sabi2 kase hindi tayo lahat parepareha ng sitwasyon. Anak mo yan at hindi nila anak. Alam mo talaga ang nararamdaman ng anak mo. Good luck po
Ang hirap lahat ng galaw mo pakekeelaman.
uwi ka muna sa inyo. its the safety of ur child. trust me kahit sila ang may kasalanan part of us sisishin mo din sarili mo kase wala kang gunawa pneumonia is so hard for a child. wag mo na palalain. opinyon lang ang meron sila puso at karapatan ang meron ka. do what you think is best for ur child. anong mawawala kung uuwi ka sa inyo eh wala ka namang boses jan kahit sa asawa mo. pag matigas ang ulo mo at sisiksik ka parin jan. baka nga ikaw na may kasalanan bakit nagkakaganyan ang anak mo.
minsan sinisisi ko rin sarili ko bat natatakot ako sa byenan ko e pero pag minsan nagsasalita Naman ako pag sobrang sobra na talaga Lalo na pag badmood ako.
kaya talaga ayoko ng may kasamang kamag anak sa bahay both side kahit pamilya kopa. yan ung mga iniiwasan ko ung makialam sa buhay namin mag asawa. kung yung nga dimo kasama sa bahay may nasasabi what more pa kaya kung kapit bahay or Kasama mo lang sa bahay diba. 😭 btw get well soon sa baby mo. napaka red flag ng asawa mo sa totoo lang. Mama's boy din ung akin pero di naman nya kinakampihan ung mama nya. tahimik lang ung mister ko kapag nag sasalita ako laban sa mama nya.
but sadly Hindi Ganyan mister ko HAHAHA Sana ako din kinakampihan ni mister
Anonymous