119 Các câu trả lời
Huhuhu 22weeks din ako nung nag pa pelvic utz ako nakita na breech si baby😔😔 29w 2days naako.. Sbi ng nurse may nakakapa na dw sya na matigas na parang ulo na ng baby. pero mas maganda pa rin dw kung papa utz ako para makita.. Kaya kapag nag 34w na tyan ko papa bps utz ako.. Gusto ko malaman kung naka cephalic. Kasi sbi din ni ob kapag nag 35w na dpa naka deretso si baby matic clearance nako. Hays😭 Ayoko ma cs huhuhu😔😔😔 Nung june15 ako nagpa utz..
Pray lang po mga momsh. Ako po na laman ko noon na breech si baby 5 mos na tapos nung 7 nag cephalic na siya. Kausapin niyo po si baby tapos nood na rin po ng mga videos kung paano umikot ang breech. May na babasa po ako rito na tamang mga gawain para umikot ang breech baby. Yung about po sa music, left side na pagtulog, sa pag gamit po ng flash light kasi lahat po yan ginawa ko at lastly yung squat
Last ultrasound ko and 24weeks pa si baby nun is breech position pa siya. Hopefully sa next check up ko in correct position na siya. And sabi naman ng OB ko is malaki pa ang chance na umikot since malaki pa daw ang space ng tummy ko. But still praying na umikot na sana siya para less worry na before delivery. 🙏
Yung case ko 30 weeks na tapos breech tapos sinunod ko sinabe ng Ob always put a music sa may puson para sundan ni baby yung sounds or you can use flashlight para sundan ni Baby yung ilaw, I'm on 39 weeks and yes nakapwesto na si Baby nung 33 weeks pa lang
sa puson po ba itatapat or sa taas po ng tyan
iikot p po yan c baby mommy.. ganyan din po sakin noon.. pero nung 31weeks n si baby ok n yung position nya.. kausapin nyo lang po lagi.. ako non lagi ako nagpapatugtog ng songs for baby tpos sa may bandang tuhod ko nkalagay.. pra dw susundan ni baby..
yes po mommy hehehe wag po kayo magpaka stress hehrhehe. pero ako sobrang nag alala ako. iikot naman daw yan si bby, sakin 6½ mos na si bby breech sya pero nung 8½ mos na cephalic na sya 🥰 sabi ng iba patugtugan mo daw si bby para umikot hehehe
ako din breach nagpa Ultrasound ako di nakita ung gender nya 21 weeks naku 😔 Buti kapa nakita muna Gender nya . nakakalungkot kasi sobrang excited namin malaman para sa sa gender reveal sana 😔
ganyan dn nangyare sakin momsh , wag kang mag aalala ,iikot payan , 28weeks nadin ako nung naging cephalic si baby nakta na gender nya..
iikot pa yan sis. every morning dumapa ka (dog style position) mga 5 to 10 minits at sabay kausapin mo dn baby mo sa tummy mo 6 months nung magbreech position baby ko. then nung 8 months na pumwesto na sya. Pray ka lang
Ganan din sakin sis 25 weeks.. Breech.. Aug 10 30 weeks.. Ako dun ko pa malalaman kng nabago na.. Pero.. Sa taas. Na sya.. Sumisipa siguro.. E. Umikot na.. Sya... 😊😊sana sana... 🙏🙏ayoko mac. S😅
Pareho po tayo at naniniwala akong iikot pa mga baby natin... Pray lang kay god and do exercise na pwedeng gawin para umikot si baby ,, ganun po ginagawa ko ngayon.. At sana next ultrasound ko nasa pwesto na sya 🙏
Shai