Long post ahead
sa wakas! nakaraos na rin.
i just want to share my induce labor birthing experience. at sana maka help din to sa mga momsh na for induce labor din.
nung malapit na akong manganak nagreresearch na na ako kung pano umire, breathing technique at kung ano2x pa. nakikita ko yun induce labor pero deadma n kasi la nmn akong plan magpainduce. kung pwede natural lng lng talaga. sep. 10 pa lng pinapainom n ako ni doc ng prim oil kala ko after 2-4days manganganak na ako. pero umabot n ako ng due ko di pa rin ako nanganganak. worry na ako. natatakot. na baka makain na ni baby 1st poop nya o umikot n s leeg cord nya at ano2x p. pero sabi nila wag daw mag worry too much minsan umaabot nmn daw ng 41-42weeks bago lumabas ang bata.
pero d ko n talaga matiis at pumunta n tlg kami sa OB ko day before mag 41 weeks (oct 2). pag pacheck up sa akin dun na sinabi ni doc n ayaw nya ng irisk tumagal p ang bata sa loob dahil nga sa mga possible complications at matured naman daw placenta ko. so ni sched nya na ako kinabukasan for induce labor. that time balisa ako. d ko alam anong mangyayari eh. based sa mga nakilala ko wala pa nag kwento sa akin na nakaexperience sila ng induce labor. natatakot ako sa possibility n ma CS ako kasi wala tlg kaming budget for CS. though sinabi nmn ni doc n kaya ko lng nmn inormal yun pero pag worst comes to worst daw ma CS daw tlg ako. grabe ang dasal namin nun praying n safe kami ni baby and smooth lng panganganak ko. gabi nun nag research n ako bout induce labor at irerecommend ko tlg si bridget teyler kasi halos lahat ng advices nya na apply ko tlg sa panganganak ko at effective tlg sya. then nagtanong na rin ako dito sa asian parent kung ano ieexpect ko sa induce labor and im happy n may momshie n nagpakalma sa akin at wag daw ako mag worry bout induce labor.
fast forward. oct 3 nasa hospi n kami. dinala ako s labor room at 10am dun IE agad ako at sabi close pa rin daw cervix ko. pinatawag n si doc. at pag dating ni doc after 20-30mins IE n naman nya ako ulit. then this time as in kinulikot tlg nya kamay nya sa loob para ma help daw iopen cervix ko. sakit sobra. then may nilagay silang 3 primoil sa pwerta ko para maghelp panipisin cervix ko at fluid s dextrose n pampatigas daw s tyan ko para makaramdam ako ng pain. at every 2 or 3 hrs mas pinaparami yun fluid n yun sakin hanggang sa mag induce ako. then at 1pm ni IE n naman ako ulit this time 1-2cm plng daw. though nakakafeel n ako ng contractions s tyan ko pero tolerable lng naman. pinapahiga nila ako on my left para mas madali daw bumaba si baby. natakot n ako. nagrorosary na ako at pinapakiusapan ko n si baby n bumaba n sya para magka progress n. at 4.30pm nag advice sa akin n mag walking2x daw ako sabi ni doc. sa labor room iniinstruct ako n while walking pag may contraction daw sa tyan ko mag squat daw ako then pag nawala n yun pain walking n ulit. ginawa ko yun for 30mins. at 5pm pag higa ko sumasakit sakit n nmn tyan ko this time 5 or 3 mins n lang ang interval. then at 6pm ni IE n nmn ako ulit this time natuwa na ako kasi may progress na. nasa 4-5cm na ako at nag rapture n ang water ko. at dito n rin nagsimula active labor ko. after ni IE every 5mins sumasakit n yun tyan at parang dinidismenoriya n ang pain pati likod n d mo maexplain ang sakit. and at 7pm naging 3mins n lng ang interval. inaadvice ako n pag d ko n kaya at kung feeling ko natatae n daw ako mag sabi lng daw ako. pero kahit n masakit na masakit n tlg pakiramdam ko di ko sinasabi kasi inaantay ko n sila n mismo mag tantya. sobrang sakit n nun lalo n at 8pm. pag tapat ng 8.40pm nilapitan na nila ako para IE n naman ako. di na nila tinuloy kay nakita n nila n d ko n kaya ang pain. tinatanong nila kung kaya kong umupo kay ililipat n ako s delivery room at tinawag n nila OB ko. d ko n kinayang umupo nun. pag dating ng delivery room sinasabihan n ako ng mga staff n wag muna umire at antayin ko muna si doc. at kinocongratulate ako ng isa sa mga staff kasi for normal delivery daw ako since naglabor pain ako basta daw gawin ko lng best ko s pag ire mmya. 9.15pm dumating si doc. pinwesto n nila ako para umire. salamat s mga staff kasi chinicheer tlg nila ako at isipin ko daw n makikita ko n finally si baby. kahit n in pain n talaga ako pressence of mind tlga ako. kasi d ko tlga makuha kung pano umire s unang 3 ire ko. pero sa pang 4 nakuha ko na at pinaire pa nila ako ng mahaba sa susunod daw na pain. sabi ni doc dapat before 10pm manganak n ako. jusko si doc. prinessure p ako! pero ayun nga. at 9:51pm nanganak n nga ako. and i praise God that it was indeed a wonderful birthing experience.🥰 thanking my family amd friends na nagpray talaga para sa akin.😇🙏 akala ko talaga pag induce labor eh madalas CS n. nakatulong talaga sakin ang mataimtim na dasal pero di lang yung dasal n bahala n si Lord pero pag dating sa moment na mangangak n ako tinulungan ko rin tlg sarili ko para makaraos na. at sobrang saya ko ng nakita at nahawakan ko na si baby. ❤
super thankful talaga ako sa AsianParent app na to sa mga momshies na sumasagot sa mga querries ko nung buntis pa ako at sa mga info dito na super helpful. 😊❤
#1stimemom
#theasianparentph
#firstbaby
Cynthia Balbin