41 Các câu trả lời
since si baby ay newborn, as much as possible dapat ay laging nakadikit sa katawan ng Ina. naga-adjust kasi sila sa paligid and comforting for them kapag karga karga ng Ina or Ama or maski ng Lola and Lolo. wag ipag-kait at wag isipin na magiging "sanay sa karga" ang baby kapag palagi mo siyang karga. growth spurth po iyan Mommy. dumadaan talaga sa ganyang phase ang mga baby. try to read more about it para alam mo ang mga mae-experinece ninyo ni baby kapag nagdaraan siya sa kanyang growth spurt phase. gawin mong bonding ninyo ang bawat minuto na karga mo siya. remember, minsan lang sila baby 😊. nakakapagod, nakakangawit, minsan pa maiiyak ka kasi hindi ka makakilos man lang. isipin mo na lang na kailangang kailangan ka niya. nasa loob siya ng sinapupunan mo for 9 months tapos isang iglap biglang nasa labas na siya. your baby needs to feel safe and secured. regarding breast feeding, ganyan 'din ako noong nanganak ako. unang tatlong araw napapaiyak or sigaw ako sa sakit sa bawat pagdede ni baby. nag tubig at nag sugat pa nipples ko. pero after 'nun? naging okay naman. nagflow na ng maayos ang breastmilk ko. meron kang gatas Ma, pero kakaunti pa lang. para lumakas gatas mo ay mag sabaw sabaw, more water, and offer lang ng offer ng dede kay baby. kasi ang pagsa-suck niya ang makakatulong na lumakas breastmilk mo. mas mainam kung breastfed siya Ma. okay 'din naman kung mixfed. pero you know what's best for your child naman,so go! go! go Mommy! ❤
Hi mommy, try nyo po ang katas ng ugat ng papaya. Nakakapag produce po sya ng breastmilk. Lahat po kami ng nagtry gumana. Wala din po makuha sakin nung una pero di po ako nag stop mag pump kahit ini formula muna namin si baby for two weeks. After ko po uminom nyan for 3 nights, lumakas po ang gatas ko. Sobra sobra na nakakapag imbak ako sa freezer. Ang gawin nyo lang po igrate nyo yung ugat ng papaya saka pipigain para makuha yung katas. sa gabi po kayo uminom sa loob ng tatlong araw. Saka magpump din po kayo after mag latch ni baby. And increase your water intake po. Hope it helps 😊
swaddle no baby mo, ako diko sinanay sa karga anak ko kargahin ko lang pag papadighayin ko siya, dirin mahirap patulugin pagtapos mag dede dadapa ko lang kusa na sya natutulog. 1month and half ganun na ginawa ko sa kanya hanggang ngayon 4months and half na di parin siya mahirap patulugin di lagi nag papakarga. May pinsan kasi ako kasabayan ko lang manganak nahihirapan sya sa baby nya sinanay nya kasi sa karga lagi naiyak pag ilalapag pag papadedehen kailangan nakakarga pa kapag uupo ka kahit karga sya iiyak kailangan nakatayo ka kapag karga mo sya kaya mahirap sanayin ang baby sa karga
Sa pagkasanay naman po ni baby na karga. Don't worry po, it's normal. Marami po akong nabasang article about sa clingy na baby. Sabi daw po it helps them to calm kasi rinig nila heartbeat at warm. Kasi sino nga naman po ang biglang aalisin ka sa comfort zone mo ng walang pasabi. Kay nag iiyak din po sila kasi it takes months po para malaman nila na wala na sila sa womb ni mommy. Saka enjoy nyo lang po. Minsan lang sila baby. 😊
si baby ko ganyan todo iya nun nasa hosp. kc onti pa lang milk ko then nun nakauwi na kami nagsupplement ako sa formula. actually ok naman poop nya. pero mega iyakin talaga si baby ko. maka iyak wagas 10pm to 5am sya lagi almost 1 week sya ma ganun gang sa di na ako mapalagay bumalik kami sa pedia nya ayu change nya milk ni baby then may gamot sya niresita for kabag.. simula nun naging ok na si baby
Okay lang yan mommy, sayo siya nakakakuha ng comfort. And besides time will come ayaw na nyang magpakarga sayo or baka khit holding hands di ba. So habang andyan ung moment enjoy nyo lang ni baby. Lagi ako sinasabihan before na sinasanay ko daw sa karga ung baby ko, pero di ko sila pinapansin. Importante nacocomfort ko si baby and gumagaan din pakiramdan ko pag karga ko siya. 😊
Hi Mommy! It's okay if kinakarga mo si baby. Sabi ng OB ko meron impact sa Brain Development ni Baby yung madalas niyang maramdaman yung warmth ng body nating mga mommy. Kahit sinasabihan ako na wag ko sanayin sa karga si Baby, it's fine for me. I enjoy it. Regarding dun sa milk niya mommy baka hindi siya hiyang. I suggest na ask pedia. kawawa naman si Baby kapag iyak ng iyak ee.
hindi nmn sa sinasanay sa karga mommy.. natural lng sa baby ntin na gusto nila lagi magpakarga sa atin kc hinahanap nila iyong yakap ng katawan ntin nun nasa tyan palang sila.. breastfeeding is not easy it took dedication and patience.. we need to cherish every hard momment to suceed.. hindi hiyang iyong formula milk kung it cause constipation.. try nyo po pa advice sa pedia...
Ilang months na po baby nyo? C baby ko din po kc nung pagkapanganak hanggang mag 1and half months sya nasanay din sa karga kc sobrang sumpungin and ganyan din ayaw magpalapag. Pero nung unti-unti na syang may natutunan like dumapa nalessen na ung karga time nmen dalawa minsan nga po ako na mismo kumakarga sa kanya kc hnd na sya umiiyak para magpakarga eh.
It's normal especially for newborn babies kasi nasanay sila na na bitbit mo sila habang nasa tyan sila. They are adjusting to the outside world so patience is the answer. Eventually, kapag nakakagapang na sila ayaw na nila magpakarga so enjoy the moment. Minsan lang sila maging baby at sobrang bilis nilang lumaki
atpb