Yung MIL mong binabaliktad ang kwento
Bumisita yung hipag ng mil ko para makita si baby tapos kinukwento ni mil na pinagalitan kami ni pedia dahil nga sa dami ng pinapagatas, parang pinapalabas nya na kami yung nang ooverfeed sa baby ko eh sya yung gumagawa non ilang beses namin sya pinagsasabihan. di nakikinig, ginawa ko sinama ko sya para marinig nya paano magakit pedia nya. Tapos lahat ng sinasabi ko na dapat gawin nya, un ung pinapalabas nya na kala mo na parang sya may isip nun. yung parang pinapamukha nya na ako gumagawa ng mali tapos sya yung may utak nung tama. which is baliktad. tuloy isip nung hipag nya ako ung may maling ginagawa. pati yung pagkarga kay baby na sinanay nya sa hospital palang ngayon kasi ayaw na magpababa ng baby ko, napansin un ng hipag nya, sabi wag sanayin pero pinalabas nya ang may gawa nun si hubby tsaka ate nya eh sya yung may kagagawan nun. ayoko naman icorrect baka sabihin bastos ako. mabait naman mil ko pero naistress ako sa ganyang ugali nya.
Mummy of 1 maarte princess